|
| Growing up in the 70s and 80s and 90s | |
|
+17Jeb watch joey maui tsampi romance skeptic amicus DeaRliE bangis rockett stonebolt bobbyalvarez lowtus123 basag_ang_pula Jo2 derf 21 posters | |
Author | Message |
---|
joey Member
Number of posts : 17 Registration date : 2008-03-09
| Subject: Re: Growing up in the 70s and 80s and 90s Mon Mar 24, 2008 8:01 am | |
| makisali na rin. ganyan din ako ngayon. kahit di ko naman talaga inabutan mga lumang pelikula noon nina dolphy, panchito, babalu, etc. napapanood ko sila dun sa mga palabas dati sa tv tuwing tanghali na mga lumang movies(piling piling pelikula yata yun). classic movies mga yun basta mga time na payat pa si dolphy. meron nga akong dvd na IBONG ADARNA. bida shempre si dolphy, panchito at babalu. nung pinanood ko nga, naalala ko tuloy nung time na nachachambahan ko sila sa tv tuwing nirereplay. yun kasing mga tv shows na yun ang pampaantok ko tuwing pinapatulog kami tuwing tanghali. - bangis wrote:
Pinanonood ko talaga noon kahit hanggang ngayon kung niri-replay sa TV or nakakabili ako sa video stores ng mga pelikula nila Chiquito, Pugak, Cachupoy, Babalu, Panchito, Tintoy, Balot, Tange, Pablo Vertuso, Bentot, etc. Classic sa akin 'yung mga katulad ng Tolongges, Boni & Clayd (mga Sining Silangan comedy films) tsaka mga pelikula ni Chiquito mula pa noong Gorio & his Jeepney days. Para sa akin, mas magagaling ang mga comedian noon kesa ngayon. Si Dolphy at si Tintoy na lang yata ang nabubuhay. | |
| | | watch Sr Member
Number of posts : 683 Age : 29 Location : marikina,kaloocan Registration date : 2008-02-01
| Subject: Re: Growing up in the 70s and 80s and 90s Mon Mar 24, 2008 11:26 am | |
| - derf wrote:
Masarap sumakay sa Love Bus ang natatanging aircon bus noon – para kang sumakay sa eroplano, may “push button when get off” pa – may Love Bus terminal sa tapat ng Ali Mall, Escolta, at Makati sa tapat ng New World Hotel ngayon. Masarap ding sumakay sa double deck buses ng Metro Manila Transit sa Edsa. Ang pinakaterminal noon ng Love Bus at Metro Manila transit ay ang kinalalagyan ng Trinoma sa QC ngayon. Remembered the first ride sa Love Bus sa Escolta to Cubao,just for the thrill pinasakay kami ng sister ko.Yung kotse nakabuntot sa likod hehe | |
| | | watch Sr Member
Number of posts : 683 Age : 29 Location : marikina,kaloocan Registration date : 2008-02-01
| Subject: Re: Growing up in the 70s and 80s and 90s Mon Mar 24, 2008 11:30 am | |
| - derf wrote:
Pagkatapos ng Eat Bulaga, LVN o Sampaguita pictures na, yung mga black n white, patok kapag pelikula nila Jose Mari Gonzales, Susan Roces, Amalia Fuentes, na kasama si Dolphy.
itutuloy ko sa gabi naman I believe "SINE SIETE" tawag doon samga oldies na film mga after lunch yun | |
| | | watch Sr Member
Number of posts : 683 Age : 29 Location : marikina,kaloocan Registration date : 2008-02-01
| Subject: Re: Growing up in the 70s and 80s and 90s Mon Mar 24, 2008 11:42 am | |
| I was born in the 70's pero some of my favorite shows 60's pinalabas.COMBAT!! ang favorite ko talaga(kaya I was so happy nung irelease uli ang entire 5 seasons on DVD-bili agad),Avengers din(featuring Diana Rigg).Remembered Uncle Bob's show,sine siete(after lunch ito),game and watches,robot mania,lego toys(I was able to buy yung castle less than 1k pa ito dati,siguro mga 6k na ityo ngayon),different softdrink brands(royal,teem,sarsi, pop cola)Bagets,their outfits.So many things.. | |
| | | rockett Admin Jr.
Number of posts : 276 Age : 62 Location : dipolog city Registration date : 2008-02-01
| Subject: Re: Growing up in the 70s and 80s and 90s Mon Mar 24, 2008 1:06 pm | |
| - bangis wrote:
- John & Marsha halos lahat siguro pinanood ito. Pero natatandaan n'yo pa ba kung ano ang middle name ni John Puruntong?
"H" ang middle initial ni mang john. "H" for "Hakeka." malumi (accent sa second syllable, mariin sa last vowel) ang pagkakabigkas. | |
| | | rockett Admin Jr.
Number of posts : 276 Age : 62 Location : dipolog city Registration date : 2008-02-01
| Subject: Re: Growing up in the 70s and 80s and 90s Mon Mar 24, 2008 1:11 pm | |
| - watch wrote:
- I was born in the 70's pero some of my favorite shows 60's pinalabas.COMBAT!! ang favorite ko talaga(kaya I was so happy nung irelease uli ang entire 5 seasons on DVD-bili agad),Avengers din(featuring Diana Rigg).
avengers... hahaha... antindeh! taaaaannnn... tantantaaanaaaaaannnn... may combat sa dvd? pirated? ako meron nung first season ng RAT PATROL. | |
| | | watch Sr Member
Number of posts : 683 Age : 29 Location : marikina,kaloocan Registration date : 2008-02-01
| Subject: Re: Growing up in the 70s and 80s and 90s Mon Mar 24, 2008 1:40 pm | |
| - rockett wrote:
- watch wrote:
- I was born in the 70's pero some of my favorite shows 60's pinalabas.COMBAT!! ang favorite ko talaga(kaya I was so happy nung irelease uli ang entire 5 seasons on DVD-bili agad),Avengers din(featuring Diana Rigg).
avengers... hahaha... antindeh! taaaaannnn... tantantaaanaaaaaannnn...
may combat sa dvd? pirated? ako meron nung first season ng RAT PATROL. Hi Rockett,yung combat OFFICIAL release ito.Per season 2 box sets,lumalabas 8 dvds per season,so kung 5 seasons lahat 40 dvds ito in 10 box sets.Maganda case nito.Yung avengers meron din release,ito di ko na binili.Pero maganda din ang episodes nito | |
| | | bangis Admin Jr.
Number of posts : 280 Registration date : 2008-01-27
| Subject: Re: Growing up in the 70s and 80s and 90s Mon Mar 24, 2008 3:11 pm | |
| - rockett wrote:
- bangis wrote:
- John & Marsha halos lahat siguro pinanood ito. Pero natatandaan n'yo pa ba kung ano ang middle name ni John Puruntong?
"H" ang middle initial ni mang john. "H" for "Hakeka." malumi (accent sa second syllable, mariin sa last vowel) ang pagkakabigkas. Tama ka Rockett. "Hakekak" nga ang rinig ko no'ng binanggit sa John & Marsha. | |
| | | watch Sr Member
Number of posts : 683 Age : 29 Location : marikina,kaloocan Registration date : 2008-02-01
| Subject: Re: Growing up in the 70s and 80s and 90s Mon Mar 24, 2008 3:18 pm | |
| - rockett wrote:
- bangis wrote:
- John & Marsha halos lahat siguro pinanood ito. Pero natatandaan n'yo pa ba kung ano ang middle name ni John Puruntong?
"H" ang middle initial ni mang john. "H" for "Hakeka." malumi (accent sa second syllable, mariin sa last vowel) ang pagkakabigkas. Talk about John and Marsha,saw Rolly Quizon sa isang kainan.Laki ng iniba physically,medyo on the heavy side and loosing hair na din.If you look at Maricel Soriano,parang ang laki ng age gap nila ngayon. | |
| | | rockett Admin Jr.
Number of posts : 276 Age : 62 Location : dipolog city Registration date : 2008-02-01
| Subject: Re: Growing up in the 70s and 80s and 90s Mon Mar 24, 2008 4:34 pm | |
| hakekak o hakeka? dun yun binanggit sa John en Marsha sa Amerika. isa yun sa mga tanong ni eddie mercado nung sumali si mang john sa tv game show. bale consolation prize ng producer (panchito) yung round trip to the us. putek... naalala ko yung eksenang umeebaks si mang john sa cr nung plane tapos nag-take off yung eroplano. tumalsik si mang john palabas at napadapa sa sahig, nakalitaw yung pwet! inconsistent yun kung tutuusin, di ba? dahil papasok ang bukas ng pinto sa cr at hindi papalabas. pero naluluha ako ngayon sa katatawa dun sa naalala kong eksenang yun. si rolly, naipakita nung minsan sa news nung may napatay na pinsan. heavy set na nga. | |
| | | Jeb Admin Jr.
Number of posts : 114 Registration date : 2008-02-04
| Subject: Re: Growing up in the 70s and 80s and 90s Mon Mar 24, 2008 6:53 pm | |
| Basta ako paborito kong sopisdrink noon, yung "Bayani Cola" na iba-iba flavor, kinakalawang ang tansan at may lumulutang pang free sa loob! Diyes sentimos lang! Sarap!
Asan na nga pala yung Sunta na partner ni Sarsi? | |
| | | skeptic Admin Jr.
Number of posts : 294 Location : beyond the horizon Registration date : 2008-01-27
| | | | skeptic Admin Jr.
Number of posts : 294 Location : beyond the horizon Registration date : 2008-01-27
| Subject: Re: Growing up in the 70s and 80s and 90s Mon Mar 24, 2008 8:27 pm | |
| Hehehe Bro. Stoney makatakas man ako sa Ermats ko nun asahan mo pagsinundo ka para papasukin may dalang Patpat at pinggot aabutin mo. Sa bentilador naman sa school pinipitikan namin ng chewing gum, minsan binilog na papel pero madalas eraser sa blackboard mausok kasi pag binato mo dun. tapos pag walang titser may nagsusulat ng "Noisy" sa blackboard para tahimik klase nyo.... hehehehe! - stonebolt wrote:
- Skeptic, pareho tayo ng nilaro noong bata pa. Naalala mo ba yung kalog? Tansan ang pamato mo tapos tansan din ang pambayad. Galit na galit ang nanay ko sa akin noon kasi lagi ako nananalo tapos dumadami ang tansan sa bahay namin tapos tumatakas pa ako sa labas ng bahay para lang makipaglaro sa mga bata sa labas...
Kayo ba naabutan n'yo yung bentilador sa eskwelahan nakadikit sa kisame? Ito yung tatlo lang ang blade... minsan gagawin namin ng ibang kaklase ko, kakain kami ng sampalok yung nakabalot sa dilaw na cellophane. Iipunin namin yung mga buto tapos ibabato namin sa bentilador ng palihim. Tapos may tatamaan na mga kaklase namin tapos iiyak, hehehe. Minsan yung isang kaklase ko nahuli ng titser namin, ipinakain ba naman yung mga butong galing na sa semento.
Mamaya tuloy pa natin... | |
| | | skeptic Admin Jr.
Number of posts : 294 Location : beyond the horizon Registration date : 2008-01-27
| Subject: Re: Growing up in the 70s and 80s and 90s Mon Mar 24, 2008 8:58 pm | |
| yes bro nagpapalipad kami before peyborit kong saranggola yung dama-dama. tapos pagbubugan mo naman pisi mo, nagdikdik kami ng bubug mula sa fluorescent lamp, bote ng smb at thermos, kailangan pino. tapos pakuluan mo yun kasama cola(saksakan ng baho) at goma arabika at konting tubig, kung gusto mo may kulay pwede mo lagyan ng jobus.... masangsang amoy nito kaya kailangan sa labas ng house mo pakukuluan.. sa text naman dami ko rin nyan tapos pag nanalo paagaw mo yung iba parang balato sa mga kalaro mo. galit sa akin si ermats dito dahil sa dami ko nito nakalagay sa mga kahon ng sapatos kaya ilalaga nya daw lahat at ipapahigup sa kin yung sabaw pero joke lang daw yun... hehehehe! pagbrownout naman cancelled ang taguang pung pag naumpisahan ang kwentong katatakutan lalo na pag bilog ang buwan hahaha! - derf wrote:
nagpalipad ka din ba skeptic ng boka boka? yung pisi ibababad sa bubog na hinalo sa elmer's glue, tapos patutuyuin ikakabit sa dalawang puno, pwede na ipangsabong sa ere, meron kaming kinatatakutan na saranggolang may drowing na "bungo", marami pinaektad yun
yung text itatago sa kahon ng sapatos, pakiramdam ko ang yaman ko! kapag marami ako text! pag nagbilangan "sa, wa, lo, pat, ma, nim, to, lo syam, po!" kung sobrang dami, tapat tapat na lang, anlungkot pag natalo ka at naubos text mo.
naglalaro din kme sa kalye pagbrownout lalo na kabilugan ng buwan. Syato - magaling ako dito sa unang step pa lang palagi ko tinatamaan kahit na anung layo - isang swabe na hagis lang pataas, pag bagsak, sakto lagi. kakatawa parusa sa natalo - patatakbuhin ng malayo pabalik sa base na sumisigaw ng SYAAAAAAAAAAAAAAAAA TO! dapat walang putol
magaling din ako sa SIPA - suot ko yung Adidas Superstar ko (bumalik itong Superstar sa kabataan, nagustuhan nila). madali gumawa ng sipa - tingga, straw, icepick para maging pino yung buhok ng straw, at kandila susunugin mo dulo ng straw sa ilalim ng tingga at ipupukpok sa semento, may magandang SIPA ka na! | |
| | | skeptic Admin Jr.
Number of posts : 294 Location : beyond the horizon Registration date : 2008-01-27
| Subject: Re: Growing up in the 70s and 80s and 90s Mon Mar 24, 2008 9:02 pm | |
| hehehe! bro naglalaro din ako nito bad trip dito yung gagambang talon ng talon ayaw lumaban... - Jo2 wrote:
Naglalaro din kami ng gagamba nun, pinaglalaban namin sa ting-ting..naghuhuli kami kung saan-saan, pag sa bahay nahuli, gagambang bahay yun, pag sa poste naman gagambang kuryente, pag sa puno naman..well, self explanatory na..hehe..pero ang napansin ko lang mas matatapang yung gagambang kuryente kaya yun lagi laman ng bahay ng gagamba ko na gawa sa kahon ng posporo yung 'Olivenza'
| |
| | | derf Admin Jr.
Number of posts : 218 Registration date : 2008-01-28
| Subject: Re: Growing up in the 70s and 80s and 90s Mon Mar 24, 2008 10:00 pm | |
| - rockett wrote:
- hakekak o hakeka? dun yun binanggit sa John en Marsha sa Amerika. isa yun sa mga tanong ni eddie mercado nung sumali si mang john sa tv game show. bale consolation prize ng producer (panchito) yung round trip to the us.
putek... naalala ko yung eksenang umeebaks si mang john sa cr nung plane tapos nag-take off yung eroplano. tumalsik si mang john palabas at napadapa sa sahig, nakalitaw yung pwet!
inconsistent yun kung tutuusin, di ba? dahil papasok ang bukas ng pinto sa cr at hindi papalabas. pero naluluha ako ngayon sa katatawa dun sa naalala kong eksenang yun.
naalala ko sa JOHN & MARSHA SA AMERIKA, ayaw panalunin ni panchito (producer) si mang john kaya sobrang hihirap ng mga tanong sa kanya sa game show - eh preparado si mang john - nagreview ba naman - nilatag nya lahat ng encyclopedia na nakabukas - tapos kung basahin nya isang linya across all books hahah klasik na eksena! kay mang john lang yun! sa sobrang hirap ng mga tanong, nasasagot pa rin ni mang john, halos lukutin ni panchito mukha nya, kaya naalala ko pinakahuling tanong, iniba nila, yung hindi galing sa nireview ni mang john - numero yata ng cedula nya! nakuha pa rin ni mang john ang sagot kaya lumipad na ng Amerika sabi ni mang john pagsilip nya sa bintana sa eroplano: "Marsha marsha, tgnan mo antaas na natin, anliliit ng mga tao parang langgam" Marsha: "John, hindi pa tayo lumilipad, totoong mga langgam yan eh" | |
| | | Guest Guest
| Subject: Re: Growing up in the 70s and 80s and 90s Tue Mar 25, 2008 12:32 am | |
| sa panahon na nag ka utak ako, ayan, nauso ang DINO LIGHT na rubber shoes (meron ako nito when i was a kid, kulay lavender yung swelas tapos rhinoceros yung dino ko), TAMAGOCHI, MAGIC SPRING, DANCING CAPSULE, yung pumuputok na fountain pen (pag inopen mo siya, hindi yun ballpen,puputok yun. ang gamit eh yung kulay red na papel na bilog bilog na may laman na paputok na powder sa loob), DANCE PAD (dahil nauso yung Dance Dance Revolution sa PS, perfect ko lagi yung "dub i dub"), ATLANTIS body spray ng bench, WALKMAN, yung BAG na may gulong, ROLLER BLADES (i have them, tsaka pwede pang gamitin), BRICK GAMES (ngayon puro gameboy, psp na..) WATUSI, yung 10-20 na laro sa GARTER, BARBIE, PLAY DOH (clay), AUTOGRAPH (motto: time is gold define love:love is like a rosary full of mystery LOL), POG (yung free sa coke), MINIATURE BOTTLES NG COKE, TRUMPO, ang steps ng CARONIA SA TROPANG TRUMPO, ang word na CHICKEN, ang salitang ALIEN sa "ang dating doon" ni brad pete, ang salitang AIWA (dahil sa commercial ng aiwa entertainment appliances noon), BREAKDOWN apparel (sa cinderella mabibili yung mga damit nito tsaka accessories yung may 8 ball na tatak), ang pagkasikat ng GHETTO DOGGS at DEATH THREAT music, ang pagkakaroon ng MAGIC PENCIL (yung napapalitan yung lead.. bakit ba magic tawag dun?), SHAKE RATTLE N ROLL MOVIES (si undin!, alangyang movie yan, natakot kaya ako sa undin na yun), FAMILY COMPUTER (ako ang naglaspag ng F.C. nila Maui ), FANCY RINGS (yung may design ng smiley faces) MY METAL PENS & MY GEL PENS.. |
| | | Guest Guest
| Subject: Re: Growing up in the 70s and 80s and 90s Tue Mar 25, 2008 12:52 am | |
| isa pa pala, ang rule sa laro ng chinese garter at 10-20, "DEAD MOTHER, SAVE BABY" ngayon ko lang narealize na anong klaseng salita yan..? alangya.. hehehe... o di kaya'y.. "DEAD MOTHER, DEAD ALL" <-ano ba toh? nagunaw na yung mundo? lol! well, sa larong kalye.. "maaaaalesss.... TAYA! maaaaaalesssss... ALIS!" AGAWAN BASE <-hustler yang si Maui sa larong ito.. hayeeep sa kadayaan! kaya nga lagi ako kumakampi dyan.. lol "mata, mata, mataya taya!" "tagu-taguan maliwanag ang buwan, masarap maglaro sa dilim diliman, anong dala mo? gita--ra, patugtugin mo nga, timpalok, timpalok, **e ng manok... TAYA!" "langit lupa impyerno, im, im, impyerno, saksak, puso, tulo ang dugo, patay, buhay, umalis ka na dyan.." <-may kadugtong pa yan,, "and out you go!" "sasara ng bulaklak, bubuka ang bulaklak, dadaan ang reyna, pakendeng kendeng pa, boom tiyaya boom tiyaya boom yeye!" "nanay, tatay, gusto kong tinapay, ate, kuya, gusto kong kape, lahat ng gusto ko ay susundin niyo, ang magkamali ay pipingutin ko, one!, one two!...." "sen sen sen, tsimpoy, tsampoy, a dose na.." <ang talo, pipindutin niya ilong niya, ang panalo, mangbebelat, pag parehas, AMEN.. BAHAY KUBO SONG JACK N JILL SONG "chipy chipy gum is a bubble gum, masarap ito at malinamnam, bumili kayo sa tindahan, chipy chipy gum is a bubble gum.." PASS THE MESSAGE <-lugi talaga ako sa larong ito.. PIKO BAHAY BAHAYAN <-si Maui ang nanay! minsan wicked step mother.. lol! sa jumping rope, TUMBANG PRESO <-lugi yung taya dito, hinulog lagi namin yung lata sa kanal tsaka sa gitna ng talahiban sa Cainta (malapit sa bahay ni Maui) AGAWANG TSINELAS<-di ba ito yung sinasapul mo yung tsinelas..? ewan! TOUCH BALL <- lagi akong may pasa nito sa binti.. ang lalakas tumira kasi.. JACKSTONE <-around the world! yeah boi! PICK UP STICKS <-yung free sa Ovaltine sa jumping rope,, "i, love, you, teleber teleber! hahaha.. "
Last edited by dyeyehm on Tue Mar 25, 2008 1:22 am; edited 2 times in total |
| | | Jo2 Member
Number of posts : 324 Location : Rizal / Batangas Registration date : 2008-02-20
| Subject: Re: Growing up in the 70s and 80s and 90s Tue Mar 25, 2008 1:07 am | |
| - dyeyehm wrote:
- "i, love, you, teleber teleber! hahaha.. "
Eto besyon namin nuon: "I love you telepon telepon, vi en bot, guy en pip, dancing dancing wonder vi".. | |
| | | joey Member
Number of posts : 17 Registration date : 2008-03-09
| Subject: Re: Growing up in the 70s and 80s and 90s Tue Mar 25, 2008 4:20 am | |
| share ko lang mga natabi ko over the years. iilan lang yan, yung iba kong nakatago, from 1990 pa siguro. imagine, mag 20 years na silang inaamag sa baul ko! madilaw at luray-luray na halos pero buo pa naman chords ng A WAY ng BOLSHOI. back cover nya si morrissey. 1989 new wave issue yung mga klase na kasinlaki lang ng palad mo ang songhits. eto yung sa BEATLES, issue 1981. mas madilaw to, may libre pa ngang bookmark yan eh. eto issue 1980, billy joel cover. featured dyan si sampaguita, mike hanopol at kenny rankin. eto naman issue 1980 rin, sa cover si rod stewart and debbie harry. featured sa loob sina anthony castelo, celeste legaspi, basil valdez pati yung press conference ng OSMONDS sa ali mall. issue 1994 naman to, si jon bon jovi sa cover. feature sa loob ugly kid joe. mas bago na to, 90s era na. eto new wave issue ulit 1995. cover duran duran at erasure. baka meron din kayo neto. nasa baguio city ako nung binili ko sa tindero sa kalye. best of the 80s issue 1997. cover sina boy george, stevie wonder, sade, barbra streisand. isa pang nabili ko sa baguio city, sa ibang tindero naman eto nakuha. | |
| | | Guest Guest
| Subject: Re: Growing up in the 70s and 80s and 90s Tue Mar 25, 2008 12:00 pm | |
| joey! meron ako nung nu wave na yan! yun nga lang,, wala na yung cover pero complete pa rin yung pages ng guitar chords.. |
| | | rockett Admin Jr.
Number of posts : 276 Age : 62 Location : dipolog city Registration date : 2008-02-01
| Subject: Re: Growing up in the 70s and 80s and 90s Tue Mar 25, 2008 12:48 pm | |
| - joey wrote:
- eto yung sa BEATLES, issue 1981. mas madilaw to, may libre pa ngang bookmark yan eh.
galeng, joey... meron ako nito dati! dalawang versions yung lumabas noon. yung newsprint na tig-sampung piso saka yung premium paper na talaga namang premium yung papel na tig-kinse pesos. may poster pa at, yes, bookmarker. parang... sa national bookstore lang siya available nung una siyang lumabas. every month simula nung tinatawag na "second british invasion," akong copy ng jingle magazine. dinispatsa ko na yung mga natitira ko pang kopya nung 2005. isa na lang yung itinira ko (yung the best of) for posterity purposes. | |
| | | bangis Admin Jr.
Number of posts : 280 Registration date : 2008-01-27
| Subject: Re: Growing up in the 70s and 80s and 90s Tue Mar 25, 2008 4:38 pm | |
| - Jeb wrote:
- Basta ako paborito kong sopisdrink noon, yung "Bayani Cola" na iba-iba flavor, kinakalawang ang tansan at may lumulutang pang free sa loob! Diyes sentimos lang! Sarap!
Asan na nga pala yung Sunta na partner ni Sarsi? Ang pinakauna kong inabot na softdrinks Yes Cola. Sumasabay din noon ang RC Cola sa Pepsi, Mirinda, Teem, Coke, Lem'O Line at Royal Thru Orange na kung saan e magka-kumpetensiya na noon pa. Sunta at Sarsi din ang partner at mas mura ng konti sa Coke. Naalala n'yo rin ba 'yung Choco Vim (Magnolia) noon na nakalagay sa maliit na bote. Iba pa 'yung malalaking bote ng Magnolia Chocolait na pag naubos 'yung laman, ito ang ginagamit na lalagyan for drinking water na pinapalamig natin sa ref. Ngayon nakakatakot ng uminom ng tubig galing sa gripo. Naalala ko rin pag nilagnat ka sa kaliligo sa ulan, Royal ang pinaiinom sa 'yo tapos Royco Chicken Noodle Soup naman ang hihigupin mo with matching Fita, Marie, SkyFlakes or Krema. Belekoy, Tira-Tita, Choc Nut (cylindrical) pa ang madalas na mabili noon sa tindahan sa amin. Nakakatawa rin na kung bakit tinawag nating "Tasty" ang loaf bread nang dahil sa brand niya. Nakapagsuot din ba kayo ng Sunshine shirt na kung saan tinatalian 'yung T-shirt sa gitna tapos lalagyan ng jobos? Presto! may design na t-shirt mo. Pinauso yata ulit 'yon lately. Nauso ring libangan noon 'yung Matchbox at View Master. Tatlo lang yata 'yung matchbox ko noon regalo pa 'yung isa. | |
| | | Guest Guest
| Subject: Re: Growing up in the 70s and 80s and 90s Tue Mar 25, 2008 5:20 pm | |
| sino sa inyo nakakaalala ng FANTA softdrinks? fave ko yung lemon.. |
| | | bobbyalvarez Member
Number of posts : 249 Location : san juan Registration date : 2008-02-14
| Subject: Re: Growing up in the 70s and 80s and 90s Wed Mar 26, 2008 12:06 am | |
| - dyeyehm wrote:
- sino sa inyo nakakaalala ng FANTA softdrinks? fave ko yung lemon..
meron pa rin fanta ngayon, hindi nga lang kalat. | |
| | | Sponsored content
| Subject: Re: Growing up in the 70s and 80s and 90s | |
| |
| | | | Growing up in the 70s and 80s and 90s | |
|
| Permissions in this forum: | You cannot reply to topics in this forum
| |
| |
| |