|
| Growing up in the 70s and 80s and 90s | |
|
+17Jeb watch joey maui tsampi romance skeptic amicus DeaRliE bangis rockett stonebolt bobbyalvarez lowtus123 basag_ang_pula Jo2 derf 21 posters | |
Author | Message |
---|
rockett Admin Jr.
Number of posts : 276 Age : 62 Location : dipolog city Registration date : 2008-02-01
| Subject: Re: Growing up in the 70s and 80s and 90s Wed Mar 19, 2008 1:41 pm | |
| - derf wrote:
- Paborito ko sakyan sa EDSA ang JD bus, kulay Red sa labas, kahoy ang mga upuan, nakapink ang konduktora
sila ata yung bumuhay sa negosyo ng liwayway gawgaw nung araw e. mwehehehe... kita mo naman. mala-cardboard sa pagkaplasta yung mga uniporme nila. saka courteous at disiplinado yung mga tauhan ng JD. | |
| | | bangis Admin Jr.
Number of posts : 280 Registration date : 2008-01-27
| Subject: Re: Growing up in the 70s and 80s and 90s Wed Mar 19, 2008 2:35 pm | |
| Sarap nga balikan 'yung dati.
Naalala ko nakapagsuot pa ako ng Vonel t-shirt nong araw bago ako mag-grade school. Naalala ko kasi tumagal yon sa kabinet namin hanggang nag-grade school na ako kasi hindi ko madalas isuot dahil mainit 'yung tela. Gold pa ang kulay. Hehe.
Nakakatawa din kasi 'yung Docksides na pinag-ipunan ko rin sa baon ko, napatagal ko ng 7 years. Mahilig kasi ako sa gamit na kapag naluluma lalong gumaganda o mas komportable isuot. Parang Levi's at Hanes.
Nasasakyan din namin ng nanay ko ang JD or CAM (red lawanit din) noong araw papuntang Luneta. Ang ilan sa mga biyahe niyan: C.M Recto, Baclaran, Caloocan at Luneta. Ang katapat niyan noon e Yutivo (green) at De Dios (yellow).
Kapag bakasyon naman noon dumadayo din kami sa Dau. Dahil bata pa, masaya na ako sa "Pop Rocks" (babaw 'no).
Voltes 5 din ang paborito ko sa mga robot noon. Ang sikat na commercial ad niyan e 'yung Purefoods hotdog na si Jonjon Hernandez na nagbibisikleta. Inabutan ko rin 'yung Gigantor. B&W lang TV namin noon (Zenith na de-susi) pero appreciated na rin ang cartoons gaya ng Herculoids, Moby Dick, Mightor (bok bok bok bok...), Shazam, Popeye, at siyempre Wacky Races kahit walang kulay.
Marami pang masarap balikan Derf. Next post ko classic tagalog sitcoms at movies (thru Sine Siyete) na parte ng kabataan ko rin.
Last edited by bangis on Wed Mar 19, 2008 6:48 pm; edited 1 time in total | |
| | | derf Admin Jr.
Number of posts : 218 Registration date : 2008-01-28
| Subject: Re: Growing up in the 70s and 80s and 90s Wed Mar 19, 2008 6:45 pm | |
| andami talaga nating mga similarities: lowtus, rockett and bangis - solid Levi's din ako sa maong, may naligaw lang na 1 Calvin Klein at 1 Wrangler noon. stone at bangis - nagsusuot din ako ng Hanes, yung maiksi ang manggas na pataas, pamacho effect. stone, kumakain ako ng siopao ng Chocful of nuts - hanggang ngayon buhay pa yan sa Greenhills, lumipat lang sa loob ng Shoppesville, pero baka matigok na rin kse babaguhin nila ang Shoppesville (tsk tsk, circa 70s pa naman yung structure ng Shoppesville) lowtus, bobbyalv, at bangis - talagang matibay ang DOCKSIDES at SPERRY, kahit malubog sa baha, talagang boat shoes, tama kayo lalong gumaganda ang leather kapag tumatagal, palagay ko sinusuotan nyo rin ng Argyle socks, yun ang bagay, pero madalas din no socks ako jan. dearlie, pocketbell ka o easycall? heheh naalala mo yun ididikta mo sa operator mga sweet messages mo tapos pag galit ka naman, ieedit ng operator sabi ko na nga ba marami may gusto sumakay sa JD, napansin ko nga rockett malinis uniporme ng mga kundoktora ng JD tsaka mababait sila, nakalimutan ko sabihin yung bus nilang pula may nguso, sila lang yata ang ganun
Last edited by derf on Wed Mar 19, 2008 7:03 pm; edited 1 time in total | |
| | | derf Admin Jr.
Number of posts : 218 Registration date : 2008-01-28
| Subject: Re: Growing up in the 70s and 80s and 90s Wed Mar 19, 2008 6:55 pm | |
| bangis, may Zenith B&W tv din kme - yan yung talagang may naiiwan na puting tuldok sa gitna pop rocks yan ba yung pumuputok sa bibig mo? naalala ko yung WAFERS na candy - yung bilog na parang tableta iba ibang kulay - isang tableta lang nyan ihulog mo sa bote ng softdrinks aapaw! konti na lang matitira sa softdrinks mo dami namin pinaiyak na kaklase kapag nahulugan nun WACKY RACES paborito ko yung professor/scientist, sunod yung 2 cavemen, then si penelope pitstop kaya pala si mutley ang avatar mo bangis | |
| | | bangis Admin Jr.
Number of posts : 280 Registration date : 2008-01-27
| Subject: Re: Growing up in the 70s and 80s and 90s Wed Mar 19, 2008 7:26 pm | |
| | |
| | | DeaRliE Admin Jr.
Number of posts : 1172 Age : 45 Location : PhiLiPPineS Registration date : 2008-01-27
| Subject: Re: Growing up in the 70s and 80s and 90s Wed Mar 19, 2008 7:44 pm | |
| Na OP ako sa Topic delete ko nalang ang post ko. | |
| | | bangis Admin Jr.
Number of posts : 280 Registration date : 2008-01-27
| Subject: Re: Growing up in the 70s and 80s and 90s Wed Mar 19, 2008 7:50 pm | |
| - DeaRliE wrote:
- Na OP ako sa Topic delete ko nalang ang post ko.
Uy, ba't naman? Share ka lang para masaya. | |
| | | derf Admin Jr.
Number of posts : 218 Registration date : 2008-01-28
| Subject: Re: Growing up in the 70s and 80s and 90s Wed Mar 19, 2008 7:53 pm | |
| dearlie, may tanong ako dun sa post mo ah, di mo cguro napansin? kakatuwa yung pager mo mahilig ka din pala magtabi ng mga memorable sayo, cguro nakatabi pa din mga love letters sayo uso pa nun magtago ng love letters na may pabango na nakasulat sa statio, ngayon hindi na nagsusulat mga bata dahil sa text at chat
Last edited by derf on Wed Mar 19, 2008 8:05 pm; edited 1 time in total | |
| | | amicus Member
Number of posts : 260 Registration date : 2008-02-10
| Subject: Re: Growing up in the 70s and 80s and 90s Wed Mar 19, 2008 8:04 pm | |
| - derf wrote:
- Paborito ko sakyan sa EDSA ang JD bus, kulay Red sa labas, kahoy ang mga upuan, nakapink ang konduktora, magagaling ang mga driver at mabilis, lawanit ang pangsara ng bintana, kaya kapag umuulan hindi mo na makikita kung nasaan ka na.
Hahaha! I'd used JD bus from 1985-1991 when I was working in Asian Development Bank Project in Mandaluyong (in Guadix drive across Dolmar building). Alway full-packed. By the time I reached Araneta Centre at bababa na ako, di pa nakarating ang conductor sa akin so always free ride. Two times akong nadukutan sa JD. | |
| | | DeaRliE Admin Jr.
Number of posts : 1172 Age : 45 Location : PhiLiPPineS Registration date : 2008-01-27
| Subject: Re: Growing up in the 70s and 80s and 90s Wed Mar 19, 2008 8:12 pm | |
| Lol! HIndi ko nabasa...hehehe...nyahaha....UU love ko yung pager na yun e. Saka uu nakatabi pa mga love letters at cards ko. nalalala ko pa nun meron nagbigay sa aking Xmas card. HIndi alam ng parents ko. Tapos pag uwi ko nakatago yun sa bag ko at binuksan ko lang nung tulog na sila. Abat pag buaks ko nagulat ako at tumunog! Ang ingay! Xmas songs! nyahahah may natugtug pala sa loob bad trip pinagpupukpuk ko para tumigil ...ahahaha!Hayun nasira! ahahaha Madami din kaming mga Song hits! Yung mga panahon pa ng menudo yun e...Actually ate ko mahilig nun pag umuuwi sya galing manila every week may dalang song hits! Tapos nung ako naman nag college ganun din palage ako bumibili ng song hits! Meron din akong Scrap book ng mga lyrics! | |
| | | amicus Member
Number of posts : 260 Registration date : 2008-02-10
| Subject: Re: Growing up in the 70s and 80s and 90s Wed Mar 19, 2008 8:16 pm | |
| This perfume had played an important role noong kabataan natin....lalo na kapag tayo'y nanliligaw.
Last edited by amicus on Wed Mar 19, 2008 8:31 pm; edited 1 time in total | |
| | | DeaRliE Admin Jr.
Number of posts : 1172 Age : 45 Location : PhiLiPPineS Registration date : 2008-01-27
| | | | derf Admin Jr.
Number of posts : 218 Registration date : 2008-01-28
| | | | DeaRliE Admin Jr.
Number of posts : 1172 Age : 45 Location : PhiLiPPineS Registration date : 2008-01-27
| Subject: Re: Growing up in the 70s and 80s and 90s Wed Mar 19, 2008 8:23 pm | |
| | |
| | | DeaRliE Admin Jr.
Number of posts : 1172 Age : 45 Location : PhiLiPPineS Registration date : 2008-01-27
| Subject: Re: Growing up in the 70s and 80s and 90s Wed Mar 19, 2008 8:27 pm | |
| Naalala ko pa nun yung uso yung may buntot sa buhok. Ako nagpauso sa skul namin nun yung magpapagupit kami pro magtitira kami ng kapirasong buhok na mahaba tapos pahabaan kami ng buntot. Tapos yung mga pants na butas butas....nyahaha...binubutas ko pa nun mga pants ko litaw nunal ko sa hita...ahahaha | |
| | | amicus Member
Number of posts : 260 Registration date : 2008-02-10
| Subject: Re: Growing up in the 70s and 80s and 90s Wed Mar 19, 2008 8:28 pm | |
| I was born in the 60s. I was too young to appreciate life in the 70s. I think I belong to the 80s. Some of the things I remember in the 80s are swatch (I couldn’t afford Movado watch), crayon shoes, spandex, dragon shirt and Izod or Brooks, collecting James Dean stuff, Ray-ban Warefarers (yung suot ni Tom Cruise sa Risky Business), cuollotes at sperry with matching white RL longback, rock band shirt (I had Van Halen and Reflex) and of course skateboarding. Sa NEPO or Dau kami namimili non dami kasing PX or sa Cash and Carry or from Filipino peddlers from Bangkok.
Nice topic...Nostalgic.
Last edited by amicus on Wed Mar 19, 2008 8:30 pm; edited 1 time in total | |
| | | derf Admin Jr.
Number of posts : 218 Registration date : 2008-01-28
| Subject: Re: Growing up in the 70s and 80s and 90s Wed Mar 19, 2008 8:29 pm | |
| | |
| | | DeaRliE Admin Jr.
Number of posts : 1172 Age : 45 Location : PhiLiPPineS Registration date : 2008-01-27
| Subject: Re: Growing up in the 70s and 80s and 90s Wed Mar 19, 2008 8:34 pm | |
| | |
| | | derf Admin Jr.
Number of posts : 218 Registration date : 2008-01-28
| Subject: Re: Growing up in the 70s and 80s and 90s Wed Mar 19, 2008 8:46 pm | |
| | |
| | | bangis Admin Jr.
Number of posts : 280 Registration date : 2008-01-27
| Subject: Re: Growing up in the 70s and 80s and 90s Wed Mar 19, 2008 9:40 pm | |
| Kung mga gamit noon meron pa yata akong naitabi. Nasa Pinas kasi lahat kaya hindi ko makunan ng pic. Meron pa rin akong mga naitago na Jingle Chordbook Magazine. Ang pinakaluma na tanda ko America ang cover and it cost P3.75 or P4.00 pa lang noon. Meron din mga Jingle Songhits ('yung maliliit) 0.75c yata ang pinakaluma na naitabi ko. Mahilig talaga akong magtago ng mga gamit. Kung susuwertehin sana buhay pa 'yung mga "teks" at "holen" na naiwan ko sa bahay ng nanay ko.
High school ako nong mauso ang Jovan ('yung Musk Oil). Sa sobrang sikat at bango nito noon, 'yung isang classmate kong babae nagpabili sa tatay niya. Pareho tuloy kami ng amoy. | |
| | | Jo2 Member
Number of posts : 324 Location : Rizal / Batangas Registration date : 2008-02-20
| | | | bobbyalvarez Member
Number of posts : 249 Location : san juan Registration date : 2008-02-14
| Subject: Re: Growing up in the 70s and 80s and 90s Wed Mar 19, 2008 10:58 pm | |
| - derf wrote:
lowtus, bobbyalv, at bangis - talagang matibay ang DOCKSIDES at SPERRY, kahit malubog sa baha, talagang boat shoes, tama kayo lalong gumaganda ang leather kapag tumatagal, palagay ko sinusuotan nyo rin ng Argyle socks, yun ang bagay, pero madalas din no socks ako jan.
inabot ko kasi mga yan mostly sa mga pinsan ko na ahead sakin, wala kasi akong kasabayan sa age na pinsan kaya silang mas matanda kasa-kasama ko. lalo na hilig nila yung magparty at mag-mobile(tama ba term ko?) tapos ako nasa gilid lang nakiki-DJ, hehe. hanggang ngayon, naka argyle pa rin ako pag boat shoes ang suot ko. shempre, pinapartner ko yan sa either le tigre or original penguin na shirt, hehe. kung meron pa kayong mga sperry na boat shoes, as much as possible, basain nyo lagi at patuyuin under normal conditions(wag bilad sa araw). | |
| | | skeptic Admin Jr.
Number of posts : 294 Location : beyond the horizon Registration date : 2008-01-27
| Subject: Re: Growing up in the 70s and 80s and 90s Thu Mar 20, 2008 3:04 am | |
| Everybody is talking about the good old days… everybody… hehehehe! I can’t resist not to post a comment… hehehehe! Growing up in the Eighties and In the Heart of Manila is really a blast for me…
Unahin ko muna sa mga laro at laruan nung mga panahon na yun, ito mga larong pinoy na nilalaro namin: Luksong Tinik, Tumbang Preso, Tanching(Tau-tauhan), Kalog Tansan, Taguang Pung(Masaya ito lalo na pagbrownout at madilim, balagong at asar talo ka pag nadatnan ka ng may ilaw na uli at ikaw ang taya), Moro-moro, Monkey - Monkey, Langit - Lupa, Kaha ng Yosi(Ginagawang Pera ang style, mas rare na kaha mas mataas ang value), Saranggola(kailangangan lagyan mo ng bubog ang pisi mo para di maektad sa kalaban), Pinoy Lego(Hanep talaga, ito yung dalawa lang ang butas), Supertramp Card Game(di pa naiimbento tongits nyon), Text(pamato ko dito anak ni suma, alega gang, wake up little sussie & leon guererro hehehe!), Mga Action Figures(G.I Joe, Thundercats, He- Man, Centurion, Voltes 5- by the way imported yan from Anding Toys Store Hehehehe!), Sisiw(ito yung mga naglalako minsan pabunot, minsan naman huhulog mo yung papel sa tubig ang premyo sisiw), Game & Watch(Fire, Octopus, Egg, Popeye, Westernbar), Family Computer(Mario, Ice Climber, Contra pati 30 lives code – Up, Up, Down, Down, Left, Right, Left Right, B,A,B,A, start)..
Pangalawa yung mga pasyalan, wala pang mga mall noon kaya pag taga Manila ka madalas kang ipasyal ng parents mo sa Luneta( may resto malapit dito ang nagseserve mga pipi nakalimutan ko name) , CCP(orange ang kulay ng service mula Vito Cruz), at sa mga lugar tulad ng Avenida, Recto, Sta Cruz, Escolta; kung saan nandun yung mga sinehan(Galaxy- Super Lamig, Roxan, Capri, Odeon, Avenue, State, Jenet, Lords, Ever; mga matagal ng nagclose dahil luge sa mga sinehan sa malls) Pag bilihan naman mga damit at sapatos nandyan SM Quaipo, Syvel’s Escolta(bilihan ni ermat ng sapatos), Luciano & Glenmore sa Recto(kung gusto mo pasadya ng sapatos) Plaza Fair; Uso din noon yung Mighty Kid Shoes(for kids), Kaypee(soot ng mga basketbolista, Si Samboy naka-converse peyborit ko noon kahit Letranista). Kung Gusto mo naman ng ukayan nandyan si Eloy “Mr Retro” ang orig sa Bambang naman. Bilihan ng appliances 680 homes(wala na) sa Avenida. Bumibili naman kami ng school supplies madalas sa Alemars(Sarado na rin) minsan Merriam Webster. Tapos pag-tsibugan naman nandyaan ang Good Earth(ayus mami dito tols), Ramon Lee sa Ronquillo, Mamon Luk sa Quaipo(kung saan nakasulat yung menu sa salamin, badtrip si ermats dito kasi napabalita yung siopao nila karne daw ng pusa), Jollibee sa Ronquillo(mga unang branch wala pang value meal noon, dami naming nakoletang mga memorabilla pag kumakain kami dito), Savory sa Jones Bridge, Aristocrat sa Roxas Blvd. and of course yung Estero sa Ongpin. And then pag Pasko sinasama me ni Erpat sa Quaipo para bumili ng hamon sabay may masarap na palabukan sa may palengke at halo-halo. Minsan naman pag nagpupunta kami ng Antipolo EMBC bus ang sinasakyan namin, terminal sa Divisoria(old school, ito yung unahan nya parang truck), tapos Love Bus pag Makati, terminal sa Escolta, Bulilit Bus Sa Doroteo Jose papuntang Sapang Palay… Aranque naman pag bumibili ng kalapate, Cartimar Market sa Pasay pag pet fish…. Barbero pa uso noon bihira Parlor(naaliw me sa green liquid na nilalagay after kang gupitan, swabe amoy plus Gupit Binata lagi)Wetlook Gel & Aquanet Spraynet para lalong gwumapo…. Tapos chichirya Cheesle, Chiqadis, Kirei, Wonderboy, Pee-Wee. Chewing Gum Big boy, Bazooka. Kakamiz din yun naglalakong Scramble...
Pangatlo sa bahay naman yung ref na nadatnan ko tatak Frigidaire(retire nato), oven naman La Germania(buhay pa), yung stereo set, turntable & cd player(later part) Akai, Kenwood, Pioneer(buhay pa rin, ganda pa rin ng tunog walang inubra mga latest), yung Tv naman Hitachi b/w(yumao nato, may tuldok sa gitna pag pinatay), Betamax Sony(patay na) na sobrang bigat w/ matching rewinder(buhay pa) na style kotse(Naalala ko tuloy yung R.A Home Vision na commercial madalas ipakita tuwing wwf wrestling show every Wednesday 10:30 pm ch 13). Lagi namin pinapanood Batibot(ch 9), Uncle Bob Lucky Seven Club(ch 7), Kulit Bulilit(pagkatanda ko si Imee Marcos & Smokie Manaloto ang Host? Ch. 13), Saturday Fun Machine(ch 9), Voltes 5, Voltron, Daimos, G.I Joe, Bioman, Laff A Lympics(hayop na yan di ko pa napanood na nanalo ang rottens pero sila nagpapasaya nito)ch. 13, Eat Bulaga(madalas commercial dito nung 80’s yung Arthur’s na barong), Champoy (Ch 9), Todas, Iskul Bukol(ch 13), Goin Bananas(ch 2), Apple Pie Patis Atbp(ch 9), Ora Engkantada, Pinoy Thriller, mga movies na tagalog sa channel 13 Monday to Friday 1pm yata yun(mga palabas chiquito madalas)(ch 13).
Yan muna mahaba na….
Bilis Lumipas ng panahon kakatuwa talagang balikan simple lang talaga buhay noon pero marami sa atin ang napasaya ng mga simpleng bagay nayon, mga lugar na nagbago kasabay ng paglipas ng panahon na laging nagpapaalala na di mo maiwasan mapangiti… haaayyy 80’s talaga! “a decade of innovation, genuine thoughts and fresh ideas in all aspects”… haayyyyyy kakamiz.
Last edited by skeptic on Thu Mar 20, 2008 3:28 am; edited 3 times in total | |
| | | bobbyalvarez Member
Number of posts : 249 Location : san juan Registration date : 2008-02-14
| Subject: Re: Growing up in the 70s and 80s and 90s Thu Mar 20, 2008 3:22 am | |
| skeptic, pano ba yung GUPIT BINATA? | |
| | | skeptic Admin Jr.
Number of posts : 294 Location : beyond the horizon Registration date : 2008-01-27
| Subject: Re: Growing up in the 70s and 80s and 90s Thu Mar 20, 2008 3:31 am | |
| yung nagmumukha ka daw binata kahit matanda ka na... hehehehe! - bobbyalvarez wrote:
- skeptic, pano ba yung GUPIT BINATA?
| |
| | | Sponsored content
| Subject: Re: Growing up in the 70s and 80s and 90s | |
| |
| | | | Growing up in the 70s and 80s and 90s | |
|
| Permissions in this forum: | You cannot reply to topics in this forum
| |
| |
| |