Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.


Forum for Hard to find music
 
HomeHome  Latest imagesLatest images  RegisterRegister  Log in  

 

 Growing up in the 70s and 80s and 90s

Go down 
+17
Jeb
watch
joey
maui
tsampi
romance
skeptic
amicus
DeaRliE
bangis
rockett
stonebolt
bobbyalvarez
lowtus123
basag_ang_pula
Jo2
derf
21 posters
Go to page : Previous  1, 2, 3, 4, 5, 6, 7, 8  Next
AuthorMessage
bobbyalvarez
Member
Member
bobbyalvarez


Number of posts : 249
Location : san juan
Registration date : 2008-02-14

Growing up in the 70s and 80s and 90s - Page 3 Empty
PostSubject: Re: Growing up in the 70s and 80s and 90s   Growing up in the 70s and 80s and 90s - Page 3 EmptyThu Mar 20, 2008 4:55 am

parang pag bulilit ka pa, nagiging binata naman ang dating, ayos! naaamoy ko na yun green hair tonic!

Growing up in the 70s and 80s and 90s - Page 3 JAI%20Karauli%20in%20Rajasthan%20-%20boys%20having%20a%20haircut%20in%20a%20barber%20shop%203008x2000

skeptic wrote:
yung nagmumukha ka daw binata kahit matanda ka na... hehehehe!

bobbyalvarez wrote:
skeptic, pano ba yung GUPIT BINATA?
Back to top Go down
http://hard2find.heavenforum.com
stonebolt
Admin Jr.
Admin Jr.
stonebolt


Number of posts : 223
Location : San Juan
Registration date : 2008-01-29

Growing up in the 70s and 80s and 90s - Page 3 Empty
PostSubject: Re: Growing up in the 70s and 80s and 90s   Growing up in the 70s and 80s and 90s - Page 3 EmptyThu Mar 20, 2008 5:42 am

skeptic wrote:
Pangalawa yung mga pasyalan, wala pang mga mall noon kaya pag taga Manila ka madalas kang ipasyal ng parents mo sa Luneta( may resto malapit dito ang nagseserve mga pipi nakalimutan ko name) , CCP(orange ang kulay ng service mula Vito Cruz), at sa mga lugar tulad ng Avenida, Recto, Sta Cruz, Escolta; kung saan nandun yung mga sinehan(Galaxy- Super Lamig, Roxan, Capri, Odeon, Avenue, State, Jenet, Lords, Ever; mga matagal ng nagclose dahil luge sa mga sinehan sa malls)

Speaking of pasyalan... kami noon pag malapit na Pasko namimili kami sa COD sa Cubao tapos manood kami ng palabas doon. Yung mga life-size puppet. Ngayon inilipat na ang mga ito sa Greenhills, San Juan. Ok pa rin naman pero iba talaga yung nauna.

Derf, tama ka sa sinabi mo, babaguhin nga ang Shopsville.

Skeptic, pareho tayo ng nilaro noong bata pa. Naalala mo ba yung kalog? Tansan ang pamato mo tapos tansan din ang pambayad. Galit na galit ang nanay ko sa akin noon kasi lagi ako nananalo tapos dumadami ang tansan sa bahay namin tapos tumatakas pa ako sa labas ng bahay para lang makipaglaro sa mga bata sa labas...

Kayo ba naabutan n'yo yung bentilador sa eskwelahan nakadikit sa kisame? Ito yung tatlo lang ang blade... minsan gagawin namin ng ibang kaklase ko, kakain kami ng sampalok yung nakabalot sa dilaw na cellophane. Iipunin namin yung mga buto tapos ibabato namin sa bentilador ng palihim. Tapos may tatamaan na mga kaklase namin tapos iiyak, hehehe. Minsan yung isang kaklase ko nahuli ng titser namin, ipinakain ba naman yung mga butong galing na sa semento.

Mamaya tuloy pa natin...
Back to top Go down
http://stonebolt.multiply.com
stonebolt
Admin Jr.
Admin Jr.
stonebolt


Number of posts : 223
Location : San Juan
Registration date : 2008-01-29

Growing up in the 70s and 80s and 90s - Page 3 Empty
PostSubject: Re: Growing up in the 70s and 80s and 90s   Growing up in the 70s and 80s and 90s - Page 3 EmptyThu Mar 20, 2008 5:44 am

Jo, parang hindi naubos yung Jovan mo... marami pang laman ito. hehehe.

Jo2 wrote:
bangis wrote:
High school ako nong mauso ang Jovan ('yung Musk Oil). Sa sobrang sikat at bango nito noon, 'yung isang classmate kong babae nagpabili sa tatay niya. Pareho tuloy kami ng amoy.
Buti di tayo nakita-kita ng classmate mo Bangis, kundi tatlo tayong pare-parehas ng amoy..nyehehe. lol!

Growing up in the 70s and 80s and 90s - Page 3 Jovanm10
Back to top Go down
http://stonebolt.multiply.com
romance
Admin Jr.
Admin Jr.
romance


Number of posts : 749
Age : 60
Location : Japan
Registration date : 2008-01-26

Growing up in the 70s and 80s and 90s - Page 3 Empty
PostSubject: Re: Growing up in the 70s and 80s and 90s   Growing up in the 70s and 80s and 90s - Page 3 EmptyThu Mar 20, 2008 7:27 am

skeptic wrote:

Everybody is talking about the good old days… everybody… hehehehe! I can’t resist not to post a comment… hehehehe! Growing up in the Eighties and In the Heart of Manila is really a blast for me…

Unahin ko muna sa mga laro at laruan nung mga panahon na yun, ito mga larong pinoy na nilalaro namin: Luksong Tinik, Tumbang Preso, Tanching(Tau-tauhan), Kalog Tansan, Taguang Pung(Masaya ito lalo na pagbrownout at madilim, balagong at asar talo ka pag nadatnan ka ng may ilaw na uli at ikaw ang taya), Moro-moro, Monkey - Monkey, Langit - Lupa, Kaha ng Yosi(Ginagawang Pera ang style, mas rare na kaha mas mataas ang value), Saranggola(kailangangan lagyan mo ng bubog ang pisi mo para di maektad sa kalaban), Pinoy Lego(Hanep talaga, ito yung dalawa lang ang butas), Supertramp Card Game(di pa naiimbento tongits nyon), Text(pamato ko dito anak ni suma, alega gang, wake up little sussie & leon guererro hehehe!), Mga Action Figures(G.I Joe, Thundercats, He- Man, Centurion, Voltes 5- by the way imported yan from Anding Toys Store Hehehehe!), Sisiw(ito yung mga naglalako minsan pabunot, minsan naman huhulog mo yung papel sa tubig ang premyo sisiw), Game & Watch(Fire, Octopus, Egg, Popeye, Westernbar), Family Computer(Mario, Ice Climber, Contra pati 30 lives code – Up, Up, Down, Down, Left, Right, Left Right, B,A,B,A, start)..

Pangalawa yung mga pasyalan, wala pang mga mall noon kaya pag taga Manila ka madalas kang ipasyal ng parents mo sa Luneta( may resto malapit dito ang nagseserve mga pipi nakalimutan ko name) , CCP(orange ang kulay ng service mula Vito Cruz), at sa mga lugar tulad ng Avenida, Recto, Sta Cruz, Escolta; kung saan nandun yung mga sinehan(Galaxy- Super Lamig, Roxan, Capri, Odeon, Avenue, State, Jenet, Lords, Ever; mga matagal ng nagclose dahil luge sa mga sinehan sa malls) Pag bilihan naman mga damit at sapatos nandyan SM Quaipo, Syvel’s Escolta(bilihan ni ermat ng sapatos), Luciano & Glenmore sa Recto(kung gusto mo pasadya ng sapatos) Plaza Fair; Uso din noon yung Mighty Kid Shoes(for kids), Kaypee(soot ng mga basketbolista, Si Samboy naka-converse peyborit ko noon kahit Letranista). Kung Gusto mo naman ng ukayan nandyan si Eloy “Mr Retro” ang orig sa Bambang naman. Bilihan ng appliances 680 homes(wala na) sa Avenida. Bumibili naman kami ng school supplies madalas sa Alemars(Sarado na rin) minsan Merriam Webster. Tapos pag-tsibugan naman nandyaan ang Good Earth(ayus mami dito tols), Ramon Lee sa Ronquillo, Mamon Luk sa Quaipo(kung saan nakasulat yung menu sa salamin, badtrip si ermats dito kasi napabalita yung siopao nila karne daw ng pusa), Jollibee sa Ronquillo(mga unang branch wala pang value meal noon, dami naming nakoletang mga memorabilla pag kumakain kami dito), Savory sa Jones Bridge, Aristocrat sa Roxas Blvd. and of course yung Estero sa Ongpin. And then pag Pasko sinasama me ni Erpat sa Quaipo para bumili ng hamon sabay may masarap na palabukan sa may palengke at halo-halo. Minsan naman pag nagpupunta kami ng Antipolo EMBC bus ang sinasakyan namin, terminal sa Divisoria(old school, ito yung unahan nya parang truck), tapos Love Bus pag Makati, terminal sa Escolta, Bulilit Bus Sa Doroteo Jose papuntang Sapang Palay… Aranque naman pag bumibili ng kalapate, Cartimar Market sa Pasay pag pet fish…. Barbero pa uso noon bihira Parlor(naaliw me sa green liquid na nilalagay after kang gupitan, swabe amoy plus Gupit Binata lagi)Wetlook Gel & Aquanet Spraynet para lalong gwumapo…. Tapos chichirya Cheesle, Chiqadis, Kirei, Wonderboy, Pee-Wee. Chewing Gum Big boy, Bazooka. Kakamiz din yun naglalakong Scramble...

Pangatlo sa bahay naman yung ref na nadatnan ko tatak Frigidaire(retire nato), oven naman La Germania(buhay pa), yung stereo set, turntable & cd player(later part) Akai, Kenwood, Pioneer(buhay pa rin, ganda pa rin ng tunog walang inubra mga latest), yung Tv naman Hitachi b/w(yumao nato, may tuldok sa gitna pag pinatay), Betamax Sony(patay na) na sobrang bigat w/ matching rewinder(buhay pa) na style kotse(Naalala ko tuloy yung R.A Home Vision na commercial madalas ipakita tuwing wwf wrestling show every Wednesday 10:30 pm ch 13). Lagi namin pinapanood Batibot(ch 9), Uncle Bob Lucky Seven Club(ch 7), Kulit Bulilit(pagkatanda ko si Imee Marcos & Smokie Manaloto ang Host? Ch. 13), Saturday Fun Machine(ch 9), Voltes 5, Voltron, Daimos, G.I Joe, Bioman, Laff A Lympics(hayop na yan di ko pa napanood na nanalo ang rottens pero sila nagpapasaya nito)ch. 13, Eat Bulaga(madalas commercial dito nung 80’s yung Arthur’s na barong), Champoy (Ch 9), Todas, Iskul Bukol(ch 13), Goin Bananas(ch 2), Apple Pie Patis Atbp(ch 9), Ora Engkantada, Pinoy Thriller, mga movies na tagalog sa channel 13 Monday to Friday 1pm yata yun(mga palabas chiquito madalas)(ch 13).

Yan muna mahaba na….

Bilis Lumipas ng panahon kakatuwa talagang balikan simple lang talaga buhay noon pero marami sa atin ang napasaya ng mga simpleng bagay nayon, mga lugar na nagbago kasabay ng paglipas ng panahon na laging nagpapaalala na di mo maiwasan mapangiti… haaayyy 80’s talaga! “a decade of innovation, genuine thoughts and fresh ideas in all aspects”… haayyyyyy kakamiz.

halos nasabi na ni skeptic lahat...grabe...kaka-miss talaga...meron pa nung pagandahan ng Cattleya sa school...nauso yun Happy Feet sandals, Faded Glory, Bang Bang Jeans at sumbrero, 'tos yung JD na lawanit ang bintana, ayaw sumara kapag umuulan kasi umuumbok pag nabasa...hahaha...at tsaka pag pista ng san juan e...basaan sa kalye...minsan galing sa kanal yung ipambabasa sa iyo...nyakkk amoy kanal! (kaya ipinagbawal)...at sinong naka-experience sa inyo nung helicopter ay nag sabog ng free ticket sa itaas, sponsored by TEEM Softdrinks?...'tos ang gaganda nung free sa softdrinks nun...pag tinuklap mo yung tapon ng tansan...ang gaganda ng free posters nun...disney goods...meron pa nung bubuuin mo yung snow white and the seven dwarfs...bale sampung tansan yun...di ko nabuo yun kasi ang hirap hanapin ni Doc at yung mansanas...mahilig ako nun sa miniature na plastic toys na cowboys and indians...yung natatangal sa kabayo na may butas sa dalawang gilid...maliit lang sya..pero pag hinilera mo...ang ganda...mahilig din ako sa pick-up sticks...pero ngayon pasmado na ang kamay ko...nung elementary naman ako...usong uso yung maglalagay ng plakard sa harap ng bahay at ilalagay mo yung Purok Number at Pangalan...anong school, grade, section,name ng adviser...tapos kailangan meron kang tanim na mga gulay sa harap ng bahay...dahil bibisita yung teacher mo...hahaha...'tos bibigyan ka ng nutriban..hahaha Razz ...eto pa isa!...takot na takot ako nun pag may nakikita akong naka long-sleeve na lalaki...kasi nauso nun yung nananapik daw...may karayom daw sa kamay at pag natapik ka...malalason ka daw...tutoo ba yun? Shocked ...hehehe...and last but not the least...pagkatapos ng school takbo kaagad sa bahay para manood ng...Let's Volt Innnnnnn!!!...hayyy...sarap mag time machine...
Back to top Go down
http://romansantos.multiply.com
DeaRliE
Admin Jr.
Admin Jr.
DeaRliE


Number of posts : 1172
Age : 45
Location : PhiLiPPineS
Registration date : 2008-01-27

Growing up in the 70s and 80s and 90s - Page 3 Empty
PostSubject: Re: Growing up in the 70s and 80s and 90s   Growing up in the 70s and 80s and 90s - Page 3 EmptyThu Mar 20, 2008 7:42 am

Yung nutriban nun may kasamang garapata nyahahaha...Tapos yung teacher ko sa grade 4 palageng nagpapabunot ng putingbuhok sa klase habang ako ang nag susulat ng lection sa blackboard. tapos ngpapalinis pa sya ng kuko sa manecurista..ahahaha....kaloka! Uso pa nun truth or consequence...nyahaha..hindi ako suamsali dun baka utusan akong humalik e... Razz Razz


Last edited by DeaRliE on Thu Mar 20, 2008 7:54 am; edited 1 time in total
Back to top Go down
basag_ang_pula
Admin Jr.
Admin Jr.
basag_ang_pula


Number of posts : 203
Location : China
Registration date : 2008-01-28

Growing up in the 70s and 80s and 90s - Page 3 Empty
PostSubject: Re: Growing up in the 70s and 80s and 90s   Growing up in the 70s and 80s and 90s - Page 3 EmptyThu Mar 20, 2008 7:53 am

nintendo game and watch
atari
Batman en Popeye Water Gun
BMX bike
Easy rider (butterfly pa yung manibela) bike
Crispa vs. Toyota
Barangay Ginebra
Back to top Go down
http://profiles.friendster.com/dellennon
romance
Admin Jr.
Admin Jr.
romance


Number of posts : 749
Age : 60
Location : Japan
Registration date : 2008-01-26

Growing up in the 70s and 80s and 90s - Page 3 Empty
PostSubject: Re: Growing up in the 70s and 80s and 90s   Growing up in the 70s and 80s and 90s - Page 3 EmptyThu Mar 20, 2008 8:14 am

ticket sa JD at D.M....napulot ko lang...nakalagay talaga yung Tinajeros sa JD...sa Tinajeros, Malabon kasi ako...hahaha... Razz

Free Image Hosting at allyoucanupload.comFree Image Hosting at allyoucanupload.com
Back to top Go down
http://romansantos.multiply.com
derf
Admin Jr.
Admin Jr.
derf


Number of posts : 218
Registration date : 2008-01-28

Growing up in the 70s and 80s and 90s - Page 3 Empty
PostSubject: Re: Growing up in the 70s and 80s and 90s   Growing up in the 70s and 80s and 90s - Page 3 EmptyThu Mar 20, 2008 8:28 am

romance wrote:
ticket sa JD at D.M....napulot ko lang...nakalagay talaga yung Tinajeros sa JD...sa Tinajeros, Malabon kasi ako...hahaha... Razz

Free Image Hosting at allyoucanupload.comFree Image Hosting at allyoucanupload.com

WOW!! tignan mo ang JD kulay pink talaga, Mabuhay ang JD! tapos demonyo talaga kulay ng DM weheheh....ansaarap basahin ng alaala ninyo - romance, lalo na si skeptic, at sa lahat! such wonderful memories! wala pa man ang mga pelikula at sitcom na tagalog mula kay bangis (at si knowller at knowell) at si Jeb din!

naalala nyo yung nahuhulog na kahon ng sapatos mula sa kisame ng SM? matapos orderin ng saleslady sa mikropono Laughing ngayon antagal kunin ng sapatos mo kse kukunin pa sa stockroom - noon ibinabalibag lang mula sa kisame Laughing
Back to top Go down
http://frozenbelt.multiply.com
Guest
Guest




Growing up in the 70s and 80s and 90s - Page 3 Empty
PostSubject: Re: Growing up in the 70s and 80s and 90s   Growing up in the 70s and 80s and 90s - Page 3 EmptyThu Mar 20, 2008 10:00 am

plaza fair cubao tsaka yung sinehan sa tapat nun.. dun ako nanonood ng sine nun kasama si moodra..

cod! (every christmas season, nonood lagi ako ng puppet show ba yun?)

yung fiesta carnival noon na naging shopwise na ngayon.. tapos nalugi na yung carnival na yun nung nalipat sila sa tabi ng sm.. (punta kayo minsan..)

yung rustan department store sa tabi ng alimall.. dati "bonggacious" ang dating ng mall na yun, ngayon parang abandonadong mall na...
Back to top Go down
DeaRliE
Admin Jr.
Admin Jr.
DeaRliE


Number of posts : 1172
Age : 45
Location : PhiLiPPineS
Registration date : 2008-01-27

Growing up in the 70s and 80s and 90s - Page 3 Empty
PostSubject: Re: Growing up in the 70s and 80s and 90s   Growing up in the 70s and 80s and 90s - Page 3 EmptyThu Mar 20, 2008 10:15 am

Eto mga cards and letters ko hehehe...

Growing up in the 70s and 80s and 90s - Page 3 Letter10

At eto yung xmas card na pinagpupukpok ko dahil pagbukas ko tumunog..lol

Growing up in the 70s and 80s and 90s - Page 3 Card10

Eto mga slum book ko...

Growing up in the 70s and 80s and 90s - Page 3 Slumbo10
Back to top Go down
derf
Admin Jr.
Admin Jr.
derf


Number of posts : 218
Registration date : 2008-01-28

Growing up in the 70s and 80s and 90s - Page 3 Empty
PostSubject: Re: Growing up in the 70s and 80s and 90s   Growing up in the 70s and 80s and 90s - Page 3 EmptyThu Mar 20, 2008 10:22 am

DeaRliE wrote:

Eto mga slum book ko...

Growing up in the 70s and 80s and 90s - Page 3 Slumbo10


sarap silipin neto Razz pati mga love letters Very Happy yung mga sagot mo sa slum book: favorite motto, expression, define love (pag tinatamad, laging "Love is blind" heheh


Last edited by derf on Thu Mar 20, 2008 10:26 am; edited 1 time in total
Back to top Go down
http://frozenbelt.multiply.com
derf
Admin Jr.
Admin Jr.
derf


Number of posts : 218
Registration date : 2008-01-28

Growing up in the 70s and 80s and 90s - Page 3 Empty
PostSubject: Re: Growing up in the 70s and 80s and 90s   Growing up in the 70s and 80s and 90s - Page 3 EmptyThu Mar 20, 2008 10:25 am

dyeyehm wrote:

yung fiesta carnival noon na naging shopwise na ngayon.. tapos nalugi na yung carnival na yun nung nalipat sila sa tabi ng sm.. (punta kayo minsan..)

yung rustan department store sa tabi ng alimall.. dati "bonggacious" ang dating ng mall na yun, ngayon parang abandonadong mall na...

naging batang cubao din ako, dati big deal pag dinala ka ng parents mo sa Fiesta Carnival, katumbas ng pakiramdam ng bata kapag dinala sa Enchanted Laughing
Back to top Go down
http://frozenbelt.multiply.com
derf
Admin Jr.
Admin Jr.
derf


Number of posts : 218
Registration date : 2008-01-28

Growing up in the 70s and 80s and 90s - Page 3 Empty
PostSubject: Re: Growing up in the 70s and 80s and 90s   Growing up in the 70s and 80s and 90s - Page 3 EmptyThu Mar 20, 2008 10:36 am

skeptic wrote:

Unahin ko muna sa mga laro at laruan nung mga panahon na yun, ito mga larong pinoy na nilalaro namin: Luksong Tinik, Tumbang Preso, Tanching(Tau-tauhan), Kalog Tansan, Taguang Pung(Masaya ito lalo na pagbrownout at madilim, balagong at asar talo ka pag nadatnan ka ng may ilaw na uli at ikaw ang taya), Moro-moro, Monkey - Monkey, Langit - Lupa, Kaha ng Yosi(Ginagawang Pera ang style, mas rare na kaha mas mataas ang value), Saranggola(kailangangan lagyan mo ng bubog ang pisi mo para di maektad sa kalaban), Pinoy Lego(Hanep talaga, ito yung dalawa lang ang butas), Supertramp Card Game(di pa naiimbento tongits nyon), Text(pamato ko dito anak ni suma, alega gang, wake up little sussie & leon guererro hehehe!), Mga Action Figures(G.I Joe, Thundercats, He- Man, Centurion, Voltes 5- by the way imported yan from Anding Toys Store Hehehehe!), Sisiw(ito yung mga naglalako minsan pabunot, minsan naman huhulog mo yung papel sa tubig ang premyo sisiw), Game & Watch(Fire, Octopus, Egg, Popeye, Westernbar), Family Computer(Mario, Ice Climber, Contra pati 30 lives code – Up, Up, Down, Down, Left, Right, Left Right, B,A,B,A, start)..


nagpalipad ka din ba skeptic ng boka boka? Laughing yung pisi ibababad sa bubog na hinalo sa elmer's glue, tapos patutuyuin ikakabit sa dalawang puno, pwede na ipangsabong sa ere, meron kaming kinatatakutan na saranggolang may drowing na "bungo", marami pinaektad yun

yung text itatago sa kahon ng sapatos, pakiramdam ko ang yaman ko! kapag marami ako text! pag nagbilangan "sa, wa, lo, pat, ma, nim, to, lo syam, po!" kung sobrang dami, tapat tapat na lang, anlungkot pag natalo ka at naubos text mo.

naglalaro din kme sa kalye pagbrownout lalo na kabilugan ng buwan. Syato - magaling ako dito sa unang step pa lang palagi ko tinatamaan kahit na anung layo - isang swabe na hagis lang pataas, pag bagsak, sakto lagi. kakatawa parusa sa natalo - patatakbuhin ng malayo pabalik sa base na sumisigaw ng SYAAAAAAAAAAAAAAAAA TO! dapat walang putol

magaling din ako sa SIPA - suot ko yung Adidas Superstar ko (bumalik itong Superstar sa kabataan, nagustuhan nila). madali gumawa ng sipa - tingga, straw, icepick para maging pino yung buhok ng straw, at kandila susunugin mo dulo ng straw sa ilalim ng tingga at ipupukpok sa semento, may magandang SIPA ka na!
Back to top Go down
http://frozenbelt.multiply.com
derf
Admin Jr.
Admin Jr.
derf


Number of posts : 218
Registration date : 2008-01-28

Growing up in the 70s and 80s and 90s - Page 3 Empty
PostSubject: Re: Growing up in the 70s and 80s and 90s   Growing up in the 70s and 80s and 90s - Page 3 EmptyThu Mar 20, 2008 11:10 am

bigla kong naalala, ang isa sa ultimate icon of the 80s - ang RUBIK'S CUBE!

nasira muna ulo namin dito, winasak pa nga para lang mabuo, pero nung matutunan namin formula, pabilisan kme, naalala ko kaya ko syang buuhin in less than 3 minutes

bumili ako ulit ng Rubik's cube kelan lang kse pinapabuo ng dawter ko at ASTIG daw sa school kapag alam kung paano magbuo. Nabubuo ko pa hanggang 2nd layer pero nakalimutan ko na beyond that - nireresearch ko ulit sa Youtube Razz
Back to top Go down
http://frozenbelt.multiply.com
rockett
Admin Jr.
Admin Jr.
rockett


Number of posts : 276
Age : 62
Location : dipolog city
Registration date : 2008-02-01

Growing up in the 70s and 80s and 90s - Page 3 Empty
PostSubject: Re: Growing up in the 70s and 80s and 90s   Growing up in the 70s and 80s and 90s - Page 3 EmptyFri Mar 21, 2008 10:55 am

stonebolt wrote:
Kayo ba naabutan n'yo yung bentilador sa eskwelahan nakadikit sa kisame? Ito yung tatlo lang ang blade... minsan gagawin namin ng ibang kaklase ko, kakain kami ng sampalok yung nakabalot sa dilaw na cellophane. Iipunin namin yung mga buto tapos ibabato namin sa bentilador ng palihim. Tapos may tatamaan na mga kaklase namin tapos iiyak, hehehe.

sa classroom namin dati, dalawa yung blackboard eraser. pag pumasok ka at isa lang yung nakita mo, wag mong bubuksan yung beltilador at nandun yung isa! putek... babagyong bigla ng chalk dust! mwehehehe...
Back to top Go down
http://rockettride.multiply.com
rockett
Admin Jr.
Admin Jr.
rockett


Number of posts : 276
Age : 62
Location : dipolog city
Registration date : 2008-02-01

Growing up in the 70s and 80s and 90s - Page 3 Empty
PostSubject: Re: Growing up in the 70s and 80s and 90s   Growing up in the 70s and 80s and 90s - Page 3 EmptyFri Mar 21, 2008 11:04 am

nabanggit yung mga larong kalye natin dati, uso pa ba yun ngayon diyan sa metro manila? parang sa mga eskuwelahan na lang ata nakikita yun, ano? dito, palibhasa mas rural, maraming bata pa rin ang naglalaro ng ilang street games.

siguro, pag nag-eb, gawin sa may luneta o sa ccp. tapos, maglalaro ang lahat. siato saka patintero.
Back to top Go down
http://rockettride.multiply.com
Guest
Guest




Growing up in the 70s and 80s and 90s - Page 3 Empty
PostSubject: Re: Growing up in the 70s and 80s and 90s   Growing up in the 70s and 80s and 90s - Page 3 EmptyFri Mar 21, 2008 6:10 pm

rockett wrote:
nabanggit yung mga larong kalye natin dati, uso pa ba yun ngayon diyan sa metro manila? parang sa mga eskuwelahan na lang ata nakikita yun, ano? dito, palibhasa mas rural, maraming bata pa rin ang naglalaro ng ilang street games.

siguro, pag nag-eb, gawin sa may luneta o sa ccp. tapos, maglalaro ang lahat. siato saka patintero.

sa panahon ko, nauso yung tumbang preso, taguan, langit lupa, luksong baka, luksong tinik.. nauso yan dito sa min.. taga maynila ako eh..

pero kung titignan mo sa mga generation ng mga bata ngayon.. grabe! psp, xbox, etc...
iba pa rin yung larong kalye!!
Back to top Go down
tsampi
Admin Jr.
Admin Jr.



Number of posts : 129
Age : 58
Location : Philippines
Registration date : 2008-01-26

Growing up in the 70s and 80s and 90s - Page 3 Empty
PostSubject: Re: Growing up in the 70s and 80s and 90s   Growing up in the 70s and 80s and 90s - Page 3 EmptyFri Mar 21, 2008 11:18 pm

Larong kalye rin ang kinalakihan ko tulad ng mga sinabi ni skeptic at derf ... idagdag ko lang ang Bending Body at Chinese Garter ... dyan ako magaling noon ... kahit lagpas ulo na ang garter naabot ko pa rin. Ang bending body naman kung maalala ninyo ay 'yong laro na ang gamit ay ang magkapares na tsinelas, ang isang tsinelas nasa lupa ang isang tsinelas hawak mo tapos kailangan mong abutin o patamain ang tsinelas na hawak mo sa tsinelas na nasa lupa by bending your body ... very active ako sa mga larong kalye, ang akala nga ng mga magulang ko tomboy ako. Bukod sa paramihan ng text nauso rin noon 'yong gomang dilaw, pagdudugtung-dugtungin na parang nakatirintas tapos pahabaan, parang kalog style din ang paglalaro para makaipon ng maraming goma.

May mga laro din noon na Boom-tiyaya-boom-yeye, Amy Susie and Tessie Romeo Juancho and Jose Mari, Sasara ang Bulaklak Bubuka ang Bulaklak ... at marami pang iba di ko na maalala, hahaha!

No'ng nag-hi-skul naman ako ang mga nauso noon ay Gregg shoes, Kung-fu shoes at Hello Kitty (Sanrio). Pag uwian naman nagmamadali na para maabutan ang Voltes-V. Ito rin yata 'yog mga panahon na nag-umpisang tumutok sa tv soap ang mga tao ... inumpisahan ng Gulong ng Palad tapos Flordeluna at Flordelisa, tama ba ko?

Anyway, sa lahat ng mga nasabi sa mga posts dito nakarelate ako in one way or another, not much with the material things but with the experiences like 'yong pagsakay sa JD Bus, gustung-gusto ko rin sumakay noon sa bus na 'yan kasi maluwang at maaliwalas sa loob.

Nakakatuwang alalahanin ang nakaraan, at nakakatuwa rin isipin na halos pare-pareho tayo ng mga kinahiligan noon at mukhang hanggang ngayon e ganun pa rin dahil pare-pareho tayong mga adik ngayon sa computer, hahaha.
Back to top Go down
Jo2
Member
Member
Jo2


Number of posts : 324
Location : Rizal / Batangas
Registration date : 2008-02-20

Growing up in the 70s and 80s and 90s - Page 3 Empty
PostSubject: Re: Growing up in the 70s and 80s and 90s   Growing up in the 70s and 80s and 90s - Page 3 EmptySat Mar 22, 2008 12:21 am

derf wrote:
skeptic wrote:

Unahin ko muna sa mga laro at laruan nung mga panahon na yun, ito mga larong pinoy na nilalaro namin: Luksong Tinik, Tumbang Preso, Tanching(Tau-tauhan), Kalog Tansan, Taguang Pung(Masaya ito lalo na pagbrownout at madilim, balagong at asar talo ka pag nadatnan ka ng may ilaw na uli at ikaw ang taya), Moro-moro, Monkey - Monkey, Langit - Lupa, Kaha ng Yosi(Ginagawang Pera ang style, mas rare na kaha mas mataas ang value), Saranggola(kailangangan lagyan mo ng bubog ang pisi mo para di maektad sa kalaban), Pinoy Lego(Hanep talaga, ito yung dalawa lang ang butas), Supertramp Card Game(di pa naiimbento tongits nyon), Text(pamato ko dito anak ni suma, alega gang, wake up little sussie & leon guererro hehehe!), Mga Action Figures(G.I Joe, Thundercats, He- Man, Centurion, Voltes 5- by the way imported yan from Anding Toys Store Hehehehe!), Sisiw(ito yung mga naglalako minsan pabunot, minsan naman huhulog mo yung papel sa tubig ang premyo sisiw), Game & Watch(Fire, Octopus, Egg, Popeye, Westernbar), Family Computer(Mario, Ice Climber, Contra pati 30 lives code – Up, Up, Down, Down, Left, Right, Left Right, B,A,B,A, start)..


nagpalipad ka din ba skeptic ng boka boka? Laughing yung pisi ibababad sa bubog na hinalo sa elmer's glue, tapos patutuyuin ikakabit sa dalawang puno, pwede na ipangsabong sa ere, meron kaming kinatatakutan na saranggolang may drowing na "bungo", marami pinaektad yun

yung text itatago sa kahon ng sapatos, pakiramdam ko ang yaman ko! kapag marami ako text! pag nagbilangan "sa, wa, lo, pat, ma, nim, to, lo syam, po!" kung sobrang dami, tapat tapat na lang, anlungkot pag natalo ka at naubos text mo.

naglalaro din kme sa kalye pagbrownout lalo na kabilugan ng buwan. Syato - magaling ako dito sa unang step pa lang palagi ko tinatamaan kahit na anung layo - isang swabe na hagis lang pataas, pag bagsak, sakto lagi. kakatawa parusa sa natalo - patatakbuhin ng malayo pabalik sa base na sumisigaw ng SYAAAAAAAAAAAAAAAAA TO! dapat walang putol

magaling din ako sa SIPA - suot ko yung Adidas Superstar ko (bumalik itong Superstar sa kabataan, nagustuhan nila). madali gumawa ng sipa - tingga, straw, icepick para maging pino yung buhok ng straw, at kandila susunugin mo dulo ng straw sa ilalim ng tingga at ipupukpok sa semento, may magandang SIPA ka na!


Boka-boka saka yung fighter (gawa sa plastic ng yelo) lang na saranggola ang pinapalipad ko nuon..ala ako pambili ng papel de hapon e..hehe Laughing ..madalas lang kami mang-balatengga ng saranggola pag nalapit yung pisi sa bubong namin..ahaha!

Magaling din ako sa Syato.. pag palakol na kaya kong patamaan ng dalawang beses yung pato bago paturitin sa malayo, pag ganun kasi ang pinangbibilang samin e yung pato (maikli) hindi yung pamalo (mahaba).

Sa sipa naman, naalala ko yung HangTen ko na sinelas (nakapagsuot ba kayo nun?), medyo mahirap i-muwestra pero masarap gamitin sa sipa yun lalo na pang black magic (yung huling tira e patalikod na sipa).

Naglaro din kami ng Biyola Kamatis o Luksong Baka, saka follow the leader..masarap laruin yun sa pinag gapasan ng damo para pwedeng magsirko-sirko..kaso pag tapos siguradong mangangati ka..

Naglalaro din kami ng gagamba nun, pinaglalaban namin sa ting-ting..naghuhuli kami kung saan-saan, pag sa bahay nahuli, gagambang bahay yun, pag sa poste naman gagambang kuryente, pag sa puno naman..well, self explanatory na..hehe..pero ang napansin ko lang mas matatapang yung gagambang kuryente kaya yun lagi laman ng bahay ng gagamba ko na gawa sa kahon ng posporo yung 'Olivenza' Laughing

Kapag uso na sumpit, nangunguha na kami ng matang kenkoy, bilog yun na kulay itim tapos may korteng puso na puti. Naalala ko yung kalaro ko, ibinala yung gagamba sa sumpit..e saktong pahigop siya ng hangin nung itapat niya sa bibig yung sumpit..ayun, nalunok niya yung gagamba..ahaha! lol!

Sa Malabon ako lumaki..nakaka miss..sana pwede ibalik ang panahon..
Back to top Go down
derf
Admin Jr.
Admin Jr.
derf


Number of posts : 218
Registration date : 2008-01-28

Growing up in the 70s and 80s and 90s - Page 3 Empty
PostSubject: Re: Growing up in the 70s and 80s and 90s   Growing up in the 70s and 80s and 90s - Page 3 EmptySat Mar 22, 2008 7:49 am

tsampi wrote:
Amy Susie and Tessie Romeo Juancho and Jose Mari, .

kita mo nga naman, pag kinakanta ko to nung bata "amy susie entensi, romeo juancho entemari" ngayon ko lang nalaman ang lyrics Laughing salamat sam!

chinese garter magaling din si roman jan sabi nya, kaya hinahanap ng lola at ermats mga garter ng palda nila,tinastas na pala at pinaglalaruan ng mga bata Laughing Flordeluna at Anna Liza yun sam Smile

Nanonood din ako ng Prinsipe Abante (nakakamiss na ang tawa ni Bert Marcelo) - ksama sina Prinsipe Aburido (Gene Palomo, sya ang Bo sa Saranghameda bo), Prinsesa Amihan (Tina Revilla), Haring Habagat (Prospero Luna, gumanap ding Mr. Baltic)
Back to top Go down
http://frozenbelt.multiply.com
maui
Member
Member
maui


Number of posts : 246
Age : 41
Location : Kainta
Registration date : 2008-02-21

Growing up in the 70s and 80s and 90s - Page 3 Empty
PostSubject: Re: Growing up in the 70s and 80s and 90s   Growing up in the 70s and 80s and 90s - Page 3 EmptySat Mar 22, 2008 8:02 am

Page 5 na pala, hehehe



ako, ano ba naalala ko, kase ako nung bata ako wala akong ibang kasama mag laro kundi mga pinsan ko e, simula bata hanggang ngaun sila at sila parin kasama ko kaya pag nag lalakwatsa ako sa ibang group of friends ko e nag seselos sila, lahat ng barkada ko e pinsang buo ko,... lage kaming nag lalaro ng teks,jolen,patintero, taguan, etc,... sabay sabay kami papasok sa school at uuwi, pag ang isa naparambol lahat kami susugod, higit pa kami sa mag kakapatid, pag may gimik dapat kasama lahat, pag nag gf sila dapat magustuhan muna namin kung hindi e di makakapasok sa pamilya namin ung taong un, hehehehe,

slambook- ang lageng pinapasulat ko dun e mga crush ko ung nga lng dapat mga pinsan ko muna ang mauna dun, .

t.v.- eat bulaga, batibot,bioman, ultraman, voltes v. mask rider black, thats entertainment( kase lageng nandun tito ko nag papa picture sa mga artista dun)

laro- ayun nga jolens at teks na hanggang ngaun nandito parin sa bhay at ginawang collections ng kuya ko. and my fav kong laro e chinese garter at bahay bahayan syempre ako ang nanay, hahahaha. family computer tapos ang bala e battle city

sabi nga ng ibang tao kaya daw ako naging gay kase lumaki ako kasama pinsan kong mga babae, kaya un, ung isa naging boyish(ung katabi ko sa pic) at ako naging gurlash, pero ngaun girl na yan, hehhee,


pasyalan- alam nyo bang sa tanda kong to e never pa ako nakakapnta sa luneta,enchanted kingdom,(pwamiz).. ewan ko nga kung bakit e, hehehe

sa c.o.d.(cubao) lage kami punta nun lalo na pag mag papasko kase my show dun yung mga maniking na nag sasayaw parang ganun.,

every xmas may reunion kame mag pipinsan, xmas party kami kami lng, pag summer swiming naman kami kami lang ulit un.
lumaki kase ako kasama sila kaya un., napahiwalay lang ako nung college days kase ako lng ang malayo sa school na pinapasukan nila, sila kase sa p.u.p at ccp ako sa cubao lang ako kaya pag may gimik e ako ang wala kase sila ang mag kakalapit e kaya un.
Back to top Go down
derf
Admin Jr.
Admin Jr.
derf


Number of posts : 218
Registration date : 2008-01-28

Growing up in the 70s and 80s and 90s - Page 3 Empty
PostSubject: Re: Growing up in the 70s and 80s and 90s   Growing up in the 70s and 80s and 90s - Page 3 EmptySat Mar 22, 2008 8:02 am

Jo2 wrote:

Magaling din ako sa Syato.. pag palakol na kaya kong patamaan ng dalawang beses yung pato bago paturitin sa malayo, pag ganun kasi ang pinangbibilang samin e yung pato (maikli) hindi yung pamalo (mahaba).

Sa sipa naman, naalala ko yung HangTen ko na sinelas (nakapagsuot ba kayo nun?), medyo mahirap i-muwestra pero masarap gamitin sa sipa yun lalo na pang black magic (yung huling tira e patalikod na sipa).

Naglaro din kami ng Biyola Kamatis o Luksong Baka, saka follow the leader..masarap laruin yun sa pinag gapasan ng damo para pwedeng magsirko-sirko..kaso pag tapos siguradong mangangati ka..

Naglalaro din kami ng gagamba nun, pinaglalaban namin sa ting-ting..naghuhuli kami kung saan-saan, pag sa bahay nahuli, gagambang bahay yun, pag sa poste naman gagambang kuryente, pag sa puno naman..well, self explanatory na..hehe..pero ang napansin ko lang mas matatapang yung gagambang kuryente kaya yun lagi laman ng bahay ng gagamba ko na gawa sa kahon ng posporo yung 'Olivenza' Laughing

Kapag uso na sumpit, nangunguha na kami ng matang kenkoy, bilog yun na kulay itim tapos may korteng puso na puti. Naalala ko yung kalaro ko, ibinala yung gagamba sa sumpit..e saktong pahigop siya ng hangin nung itapat niya sa bibig yung sumpit..ayun, nalunok niya yung gagamba..ahaha! lol!

Sa Malabon ako lumaki..nakaka miss..sana pwede ibalik ang panahon..


ganda ng variation nyo sa Syato Jo2, di namin nasubukan yun, gusto ko tuloy subukan, makahanap nga ng pato at pamalo heheh

naalala ko laban ng gagamba, napanood ko sa GMA 7 I-witness yata, uso pa yan sa isang probinsya, nanghuhuli sila ng gagamba sa palay kapag gabi, yun daw kse ang matapang, nakalagay din sa bahay ng posporo.

hanep weapons natin, sumpit lang at munggo ayos na, cartridge natin bibig natin fully loaded na Smile

palagay ko pagkatapos umulan, nagkakarera din kayo ng bangka gawa sa kahoy ng popsicle, sa agos ng tubig sa gutter o kanal, malinis pa tubig sa kalye nun eh
Back to top Go down
http://frozenbelt.multiply.com
derf
Admin Jr.
Admin Jr.
derf


Number of posts : 218
Registration date : 2008-01-28

Growing up in the 70s and 80s and 90s - Page 3 Empty
PostSubject: Re: Growing up in the 70s and 80s and 90s   Growing up in the 70s and 80s and 90s - Page 3 EmptySat Mar 22, 2008 8:11 am

maui wrote:


ako, ano ba naalala ko, kase ako nung bata ako wala akong ibang kasama mag laro kundi mga pinsan ko e, simula bata hanggang ngaun sila at sila parin kasama ko kaya pag nag lalakwatsa ako sa ibang group of friends ko e nag seselos sila, lahat ng barkada ko e pinsang buo ko,... lage kaming nag lalaro ng teks,jolen,patintero, taguan, etc,... sabay sabay kami papasok sa school at uuwi, pag ang isa naparambol lahat kami susugod, higit pa kami sa mag kakapatid, pag may gimik dapat kasama lahat, pag nag gf sila dapat magustuhan muna namin kung hindi e di makakapasok sa pamilya namin ung taong un, hehehehe,


laro- ayun nga jolens at teks na hanggang ngaun nandito parin sa bhay at ginawang collections ng kuya ko. and my fav kong laro e chinese garter at bahay bahayan syempre ako ang nanay, hahahaha. family computer tapos ang bala e battle city



mas bata kayo samin maui n dyeyehm, nice to know na buhay pa ang larong kalye sa inyo sa Marikina - galeng nyo magpipinsan madami kayo pangresbak Smile

paborito ko rin ang BATTLE CITY, masarap kalaro ito na dalawa kayo magkakampi - paborito ko rin yung LODE RUNNER, yung naghuhukay at pwde kang mailibing ng buhay Laughing
Back to top Go down
http://frozenbelt.multiply.com
bangis
Admin Jr.
Admin Jr.
bangis


Number of posts : 280
Registration date : 2008-01-27

Growing up in the 70s and 80s and 90s - Page 3 Empty
PostSubject: Re: Growing up in the 70s and 80s and 90s   Growing up in the 70s and 80s and 90s - Page 3 EmptySat Mar 22, 2008 1:47 pm

derf wrote:

Nanonood din ako ng Prinsipe Abante (nakakamiss na ang tawa ni Bert Marcelo) - ksama sina Prinsipe Aburido (Gene Palomo, sya ang Bo sa Saranghameda bo), Prinsesa Amihan (Tina Revilla), Haring Habagat (Prospero Luna, gumanap ding Mr. Baltic)

Pinanonood mo rin pala ito Derf (Prinsipe Abante). Kwela din dito si Cliff 'yung guard na kung tatawagin ni Prospero Luna ng gwardia o guard e hindi lalapit, ang gusto Cliff.

Natatandaan mo rin ba 'yung Baltic & Co. na kung saan sumikat si Mely Tagasa as Miss Tapia bago napunta sa Iskul Bukol.

Nanonood din ako ng Caferteria Aroma (bago mag Swerte sa Siyete). Magaling talaga si Apeng Daldal kasi simple lang ang bitaw nya pero kwela. Mas natawa din ako sa kanya sa "Magic Bilao". 'Yung eksena na nagbibingo sila na siya ang nagbobola tapos di nya itinatawag kapag wala siyang number, nong sinita, siya pa galit.

John & Marsha halos lahat siguro pinanood ito. Pero natatandaan n'yo pa ba kung ano ang middle name ni John Puruntong?

Sa mga pelikula ni Dolphy sa Sampaguita, isa sa mga classic 'yung "Buhay Artista" na kung saan sidekick siya ni Rogelio dela Rosa. Nakakatawa 'yung eksena nila ni Aruray sa studio.

Isa rin kasi ang panonood ng comedy films at sitcom na naging part din ng kabataan ko maliban sa panonood ng cartoons at paglalaro sa kalye.

Pinanonood ko talaga noon kahit hanggang ngayon kung niri-replay sa TV or nakakabili ako sa video stores ng mga pelikula nila Chiquito, Pugak, Cachupoy, Babalu, Panchito, Tintoy, Balot, Tange, Pablo Vertuso, Bentot, etc. Classic sa akin 'yung mga katulad ng Tolongges, Boni & Clayd (mga Sining Silangan comedy films) tsaka mga pelikula ni Chiquito mula pa noong Gorio & his Jeepney days. Para sa akin, mas magagaling ang mga comedian noon kesa ngayon. Si Dolphy at si Tintoy na lang yata ang nabubuhay.
Back to top Go down
bangis
Admin Jr.
Admin Jr.
bangis


Number of posts : 280
Registration date : 2008-01-27

Growing up in the 70s and 80s and 90s - Page 3 Empty
PostSubject: Re: Growing up in the 70s and 80s and 90s   Growing up in the 70s and 80s and 90s - Page 3 EmptySat Mar 22, 2008 2:03 pm

derf wrote:
naalala ko laban ng gagamba, napanood ko sa GMA 7 I-witness yata, uso pa yan sa isang probinsya, nanghuhuli sila ng gagamba sa palay kapag gabi, yun daw kse ang matapang, nakalagay din sa bahay ng posporo.

Sa lahat ng gagamba, the best sa akin 'yung porma ng "Gagambang Batman". Ang galing ng kulay (green) tsaka 'yung tatak niya sa likod (itim), mukhang Batman talaga. Though hindi siya pang-derby katulad ng "Talahib" o "Mais", pero kakaiba talaga. 'Di ba meron ding "Gagambang Pitik" at "Gagambang Tala".
Back to top Go down
Sponsored content





Growing up in the 70s and 80s and 90s - Page 3 Empty
PostSubject: Re: Growing up in the 70s and 80s and 90s   Growing up in the 70s and 80s and 90s - Page 3 Empty

Back to top Go down
 
Growing up in the 70s and 80s and 90s
Back to top 
Page 3 of 8Go to page : Previous  1, 2, 3, 4, 5, 6, 7, 8  Next

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: Etc Etc :: Anything Goes-
Jump to: