|
| Growing up in the 70s and 80s and 90s | |
|
+17Jeb watch joey maui tsampi romance skeptic amicus DeaRliE bangis rockett stonebolt bobbyalvarez lowtus123 basag_ang_pula Jo2 derf 21 posters | |
Author | Message |
---|
derf Admin Jr.
Number of posts : 218 Registration date : 2008-01-28
| Subject: Growing up in the 70s and 80s and 90s Tue Mar 18, 2008 9:48 pm | |
| this topic is for any of our fondest childhood memories. IWASAN PO NATIN NA MAGPOST NG CUT AND PASTE MULA SA IBANG BLOGS OR FORUMS - mas masaya yung PERSONAL EXPERIENCE - yung tunay na magpapanumbalik sa ating alaala nung tayo ay bata pa. mauuna na ako, this always brings a smile to my face whenever I remember THE BETAMAX DAYS tunay pong betamax namin yan piniktyuran ko kelan lang (naextra ang pet ng parents ko na si macho). Hindi ko kahit kelan malilimutan kung paano ako MAGKANDAKUBA na buhatin yan (ambigat nyan!) para makapanood ng xrated sa gabi na hindi alam ni erpats (isipin nyong magbuhat ng ganyang kabigat habang nagtitiptoe) putek ambigat nyan naubos ang aking lakas dyan | |
| | | Jo2 Member
Number of posts : 324 Location : Rizal / Batangas Registration date : 2008-02-20
| Subject: Re: Growing up in the 70s and 80s and 90s Tue Mar 18, 2008 10:28 pm | |
| | |
| | | Guest Guest
| Subject: Re: Growing up in the 70s and 80s and 90s Tue Mar 18, 2008 10:36 pm | |
| sony vhs naman sa min.. 1992 binili... hanggang ngayon, gumagana pa rin.. meron kasi kaming 50+ vhs tapes dito (kasama na yung videoke) |
| | | derf Admin Jr.
Number of posts : 218 Registration date : 2008-01-28
| Subject: Re: Growing up in the 70s and 80s and 90s Tue Mar 18, 2008 10:39 pm | |
| | |
| | | derf Admin Jr.
Number of posts : 218 Registration date : 2008-01-28
| Subject: Re: Growing up in the 70s and 80s and 90s Tue Mar 18, 2008 10:41 pm | |
| - dyeyehm wrote:
- sony vhs naman sa min.. 1992 binili... hanggang ngayon, gumagana pa rin.. meron kasi kaming 50+ vhs tapes dito (kasama na yung videoke)
buti pa kayo hindi kayo NAKUBA magagaan na ang sainyo | |
| | | derf Admin Jr.
Number of posts : 218 Registration date : 2008-01-28
| Subject: Re: Growing up in the 70s and 80s and 90s Tue Mar 18, 2008 10:43 pm | |
| Paborito ko sakyan sa EDSA ang JD bus, kulay Red sa labas, kahoy ang mga upuan, nakapink ang konduktora, magagaling ang mga driver at mabilis, lawanit ang pangsara ng bintana, kaya kapag umuulan hindi mo na makikita kung nasaan ka na.
Umiiwas kaming sumakay sa DM bus kasi “Death Machine” yun, sila ang mga barumbado sa Edsa. Tsaka mainit ang makina nun kapag napaupo ka sa harap, dahil katabi ng driver ang makina kaya naman may nakalagay “Don’t talk to driver while bus is in motion”. Dahil palaging mainit ang ulo ng driver.
Masarap sumakay sa Love Bus ang natatanging aircon bus noon – para kang sumakay sa eroplano, may “push button when get off” pa – may Love Bus terminal sa tapat ng Ali Mall, Escolta, at Makati sa tapat ng New World Hotel ngayon. Masarap ding sumakay sa double deck buses ng Metro Manila Transit sa Edsa. Ang pinakaterminal noon ng Love Bus at Metro Manila transit ay ang kinalalagyan ng Trinoma sa QC ngayon. | |
| | | Jo2 Member
Number of posts : 324 Location : Rizal / Batangas Registration date : 2008-02-20
| Subject: Re: Growing up in the 70s and 80s and 90s Tue Mar 18, 2008 10:49 pm | |
| - derf wrote:
- Jo2 wrote:
Oks to Derf, medyo mas magaan lang ng konti siguro yung beta namin, medyo late na kasi kami nakabili e..meron na ngang VHS nun..kaya di gano mahirap buhatin..ehehe.
parang napanood ko din yung tape na nasa ibabaw ng beta niyo a?..madalas ko panoorin nun yung movies ni 'Ginger Lyn'
Naisip ko lang, dun kaba sa pagbuhat nawalan ng lakas o...hehe. ahahaha, Ginger Lyn gusto ko yan sa Jailhouse Girls, Traci Lords paborito ko hahah napansin mo yung nakapatong na tape sirena sya dun....ang pinakapaborito ko si ANNETTE HAVEN - yan ang pinakaclassic na beauty - walang sinabi mga dvdx ngayon sa vintage noon. heto pic ni Annette:
Ganda nga niya..pero parang mas type ko yung katabi mo sa pic..ehehe.. May konti din akong beta tapes nuon..kaso tinapon ko na rin kasi nagkadikit-dikit na..nyahaha! Agree ako sa sinabi mo, mas magaganda ang mga actress way back..ala pang 'salamat po doctor' dati..pure natural beauty pa talaga.. | |
| | | basag_ang_pula Admin Jr.
Number of posts : 203 Location : China Registration date : 2008-01-28
| Subject: Re: Growing up in the 70s and 80s and 90s Tue Mar 18, 2008 10:56 pm | |
| 70s robots, lets volt in ! Monday - Mekanda Robot Tuesday - Daimos Wednesday - Mazinger Z Thursday - UFO Grendizer Friday - Voltes V Saturday - Star Rangers ( tama ba ?) | |
| | | derf Admin Jr.
Number of posts : 218 Registration date : 2008-01-28
| Subject: Re: Growing up in the 70s and 80s and 90s Tue Mar 18, 2008 10:59 pm | |
| - Jo2 wrote:
May konti din akong beta tapes nuon..kaso tinapon ko na rin kasi nagkadikit-dikit na..nyahaha!
Agree ako sa sinabi mo, mas magaganda ang mga actress way back..ala pang 'salamat po doctor' dati..pure natural beauty pa talaga.. dapat talagang itapon ang beta tapes dahil walang magsusurvive na pelikula sa format na yun, mas matibay pa ang VHS. sobrang linaw kse ng dvdx ngayon kaya kitang kita mga imperfections, tsaka mga vintage x may istorya at marunong umacting mga artista. at tama ka natural beauty talaga, medyo malago lang | |
| | | basag_ang_pula Admin Jr.
Number of posts : 203 Location : China Registration date : 2008-01-28
| Subject: Re: Growing up in the 70s and 80s and 90s Tue Mar 18, 2008 11:01 pm | |
| 80s
K- Swiss, Tretorn, Dragonfly, Haruta. Bla-bla shoes ang usong-uso nun. Pang-gadem-it na pag suot mo isa sa mga yan tapos with matching long back na polo shirt with baston ( with zipper ha..) ang lon-ta mo.. | |
| | | Jo2 Member
Number of posts : 324 Location : Rizal / Batangas Registration date : 2008-02-20
| Subject: Re: Growing up in the 70s and 80s and 90s Tue Mar 18, 2008 11:01 pm | |
| - derf wrote:
- Paborito ko sakyan sa EDSA ang JD bus, kulay Red sa labas, kahoy ang mga upuan, nakapink ang konduktora, magagaling ang mga driver at mabilis, lawanit ang pangsara ng bintana, kaya kapag umuulan hindi mo na makikita kung nasaan ka na.
Umiiwas kaming sumakay sa DM bus kasi “Death Machine” yun, sila ang mga barumbado sa Edsa. Tsaka mainit ang makina nun kapag napaupo ka sa harap, dahil katabi ng driver ang makina kaya naman may nakalagay “Don’t talk to driver while bus is in motion”. Dahil palaging mainit ang ulo ng driver.
Masarap sumakay sa Love Bus ang natatanging aircon bus noon – para kang sumakay sa eroplano, may “push button when get off” pa – may Love Bus terminal sa tapat ng Ali Mall, Escolta, at Makati sa tapat ng New World Hotel ngayon. Masarap ding sumakay sa double deck buses ng Metro Manila Transit sa Edsa. Ang pinakaterminal noon ng Love Bus at Metro Manila transit ay ang kinalalagyan ng Trinoma sa QC ngayon. Bihira pa ako makasakay ng 'Big Bus' nuon..madalas lang inaabangan ko tatay ko galing sa trabaho sa may kanto samin sa may Malabon pag umuulan, JD ang madalas niya ding sakyan..di rin siya nasakay ng DM, 'Demonyong Magmaneho' naman ang meaning samin nun. Baby bus yung pula ang kulay (small version ng JD) ang mode of transport ko nun saka Jeep na Sangandaan - Divisoria papasok sa Torres..Yung Baby bus, sa may kanto namin ang terminal nun sa Bisig ng Nayon..wala na ngayon, Petron Station na ang nakatayo nagyon dun..Laging punuan ang baby bus, sa sobrang puno nga sa labas na nangungunyapit yung kunduktor para mag ticket..minsan magugulat ka na lang pag nasa tabi ka ng bintana, may biglang kakalabit sayo para maningil habang tumatakbo yung bus.. | |
| | | derf Admin Jr.
Number of posts : 218 Registration date : 2008-01-28
| | | | Guest Guest
| Subject: Re: Growing up in the 70s and 80s and 90s Tue Mar 18, 2008 11:08 pm | |
| - derf wrote:
- basag_ang_pula wrote:
70s robots, lets volt in !
Monday - Mekanda Robot Tuesday - Daimos Wednesday - Mazinger Z Thursday - UFO Grendizer Friday - Voltes V Saturday - Star Rangers ( tama ba ?) tumpak! UFO Grendaizer lang ang tamang spelling, dagdag mo DANGUARD ACE at BALATACK sa Channel 9. Meron din sa Channel 13 Getta Robot ba yun?
pag sabado, STAR 1, STAR 2, STAR 3, STAR 4, STAR 5! kilala ko lang dyan yung daimos, mazinger z at voltes 5! namulat kasi ako sa mundo ng mojacko, doraemon, sailormoon, ceddie, julio at julia.... at dami pa.. yung shaider, mga 1995-1998 ko na napanood yun.. sa channel 13.. |
| | | basag_ang_pula Admin Jr.
Number of posts : 203 Location : China Registration date : 2008-01-28
| Subject: Re: Growing up in the 70s and 80s and 90s Tue Mar 18, 2008 11:14 pm | |
| | |
| | | derf Admin Jr.
Number of posts : 218 Registration date : 2008-01-28
| | | | Jo2 Member
Number of posts : 324 Location : Rizal / Batangas Registration date : 2008-02-20
| Subject: Re: Growing up in the 70s and 80s and 90s Tue Mar 18, 2008 11:37 pm | |
| - basag_ang_pula wrote:
- derf wrote:
- basag_ang_pula wrote:
70s robots, lets volt in !
Monday - Mekanda Robot Tuesday - Daimos Wednesday - Mazinger Z Thursday - UFO Grendizer Friday - Voltes V Saturday - Star Rangers ( tama ba ?) tumpak! UFO Grendaizer lang ang tamang spelling, dagdag mo DANGUARD ACE at BALATACK sa Channel 9. Meron din sa Channel 13 Getta Robot ba yun?
pag sabado, STAR 1, STAR 2, STAR 3, STAR 4, STAR 5! meron pa yung ulo lang.. si Jeeg. ok din yun pero hindi ko matandaan kung anong araw at channel..
akala ko rin derf ganyan ang spelling ng "grendaizer' pero tsinek ko sa wikipedia bago ko pinost ang message ko "Grendizer" daw... http://en.wikipedia.org/wiki/Grendizer Nasa pic yung isa sa member ng Getta Robots saka si Gaiking yung mahaba sungay..Meron pa, Watari, kyo-dai (di ko sure spelling) yung dalawa sila tapos nagpapalit ng shapes para maging weapons ala transformers, saka Jack-Q (parang star rangers pero apat lang sila kasi suits ng cards)..Lahat yun pinapanood ko nun sa black n white naming TV na 'NEC' may malaking cabinet tapos may sliding door na may lock pa! Nung nasira nga yun TV namin na yun, naging kulungan ng manok pa namin yun e.. | |
| | | derf Admin Jr.
Number of posts : 218 Registration date : 2008-01-28
| | | | lowtus123 Member
Number of posts : 76 Location : Makati City Registration date : 2008-02-18
| Subject: Re: Growing up in the 70s and 80s and 90s Tue Mar 18, 2008 11:52 pm | |
| - basag_ang_pula wrote:
- 80s
K- Swiss, Tretorn, Dragonfly, Haruta. Bla-bla shoes ang usong-uso nun. Pang-gadem-it na pag suot mo isa sa mga yan tapos with matching long back na polo shirt with baston ( with zipper ha..) ang lon-ta mo.. Buti na lang medyo mabait na bata ako noon kaya nakahingi ako pambili ng k-swiss, tretorn (canvass), sperry topsider, sebago docksides (yung parang may oil ang leather) at haruta. Yung bla-bla lagi kong suot pag may nw party. ok rin yung ukay-ukay sa tondo dahil nakabili ako doon ng orig jeans na calvin klein at 501. | |
| | | Jo2 Member
Number of posts : 324 Location : Rizal / Batangas Registration date : 2008-02-20
| Subject: Re: Growing up in the 70s and 80s and 90s Tue Mar 18, 2008 11:56 pm | |
| | |
| | | bobbyalvarez Member
Number of posts : 249 Location : san juan Registration date : 2008-02-14
| Subject: Re: Growing up in the 70s and 80s and 90s Wed Mar 19, 2008 12:33 am | |
| - derf wrote:
- basag_ang_pula wrote:
- 80s
K- Swiss, Tretorn, Dragonfly, Haruta. Bla-bla shoes ang usong-uso nun. Pang-gadem-it na pag suot mo isa sa mga yan tapos with matching long back na polo shirt with baston ( with zipper ha..) ang lon-ta mo..
nagsuot din ako ng mga long back na tshirt na Polo, yung malambot ang tela, sa sapatos pinakamatagal ko talagang gamit SPERRY TOPSIDER at SEBAGO DOCKSIDES, tandang tanda ko presyo nung mga 1982 - 499 pesos sa Cash and Carry o Greenhills - malaking pera yun nun kaya ayaw akong bilhan ng parents ko, katakutakot na pag-iipon ginawa ko para makabili - sobrang tibay mga 5 taon ko cgurong gamit
nagsusuot pako nyan ngayon...preppy minsan eh, lolz.wala yata nagbabanggit ng USED jeans, kahit papano kasi naabutan ko yun dati, hehe. | |
| | | Jo2 Member
Number of posts : 324 Location : Rizal / Batangas Registration date : 2008-02-20
| Subject: Re: Growing up in the 70s and 80s and 90s Wed Mar 19, 2008 3:53 am | |
| Meron akong Knapsack na itim nuon, KHUMBELLA and brand..nabili ko sa Cartimar Ganito porma kaya lang pure black yun tapos may bilog na rubber logo sa bandang taas "Certified Genuine Product"..ang tibay, hanggang natapos ako ng college buo pa e. Sapatos.. Espadril lang kaya kong bilin dati e.. | |
| | | derf Admin Jr.
Number of posts : 218 Registration date : 2008-01-28
| Subject: Re: Growing up in the 70s and 80s and 90s Wed Mar 19, 2008 9:26 am | |
| Pag ganitong summer na sa Pinas noon, walang patayan ang TV samin mula umaga hanggang hapon, patay sandali, tapos bubuksan uli sa gabi.
Sa umaga nanonood ako ng Cafeteria Aroma, sila Apeng Daldal, si Minyong na magaling maggitara, si Brother Manok na tagapang-asar – isa sa hinahangaan ko si Apeng Daldal – naaalala ko siya kay Long Mejia na matatas ding magsalita.
Pag tanghali, Eat Bulaga na, paborito namin Little Miss Philippines at Miss Gay Philippines – aabangan namin yan hanggang Grand Finals, may kanya kanya kaming mga manok. Tawa kami ng tawa kapag inaasar nila Joey de Leon yung mga konsorte, merong magaling sumagot, meron ding halos mapaiyak. May contestant sa Miss Gay Philippines tinanong ni Joey kung sino paborito nya lalaki artista – sagot niya si Vic Sotto daw, nung tinanong bakit, sabi nya: “Matsu!” (bisaya sya kse) – mabilis ang sagot ni Vic: “tinkyu!”
Pagkatapos ng Eat Bulaga, LVN o Sampaguita pictures na, yung mga black n white, patok kapag pelikula nila Jose Mari Gonzales, Susan Roces, Amalia Fuentes, na kasama si Dolphy.
itutuloy ko sa gabi naman | |
| | | stonebolt Admin Jr.
Number of posts : 223 Location : San Juan Registration date : 2008-01-29
| Subject: Re: Growing up in the 70s and 80s and 90s Wed Mar 19, 2008 9:56 am | |
| Ito lang naalala ko noong bata pa ako... pagsakay sa Love Bus sa Broadway Centrum papuntang Makati. Kumakain din kami noon ng mga barkada sa Chocful Of Nuts sa Greenhills na may dala dalang skateboard, hehehe. Pagkatapos doon punta kami sa Broadway may dala kaming "tiktik." Ito yung maliit na parang lighter na pagtiniktik mo ang mga video machines libre ka nang makapaglaro. Huwag lang papahuli sa mga bantay. Sa loob ng Broadway Centrum nandoon din yung mga PX Goods. Doon kami bumibili ng Hanes o Fruit Of The Loom na t-shirt. Marami rin doon na Espadril, Blah Blah (tama ba) na sapatos yung may dilaw sa gitna sa ilalim ng suwelas... Dragonfly na sneakers...
Sarap ng buhay noon... kung makikipagaway ka suntukan lang. Aabangan paglabas ng eskwelahan. Ngayon barilan na... hindi mo alam kung makakalabas ka pa ng buhay sa eskwelahan.
Ang eskwelahan puedeng lakarin o bisikletahin. Hindi nakakahiya. Ngayon napansin ko, puro pormahan mga bagets...
Nakakamis. Para sa akin, 80s ang the best na dekada. Lahat ng kantang maganda doon lumabas. | |
| | | rockett Admin Jr.
Number of posts : 276 Age : 62 Location : dipolog city Registration date : 2008-02-01
| Subject: Re: Growing up in the 70s and 80s and 90s Wed Mar 19, 2008 1:18 pm | |
| - basag_ang_pula wrote:
- meron pa yung ulo lang.. si Jeeg. ok din yun pero hindi ko matandaan kung anong araw at channel..
wednesdays, 5:30 pm sa channel 9, bro. | |
| | | rockett Admin Jr.
Number of posts : 276 Age : 62 Location : dipolog city Registration date : 2008-02-01
| Subject: Re: Growing up in the 70s and 80s and 90s Wed Mar 19, 2008 1:32 pm | |
| - lowtus123 wrote:
- ok rin yung ukay-ukay sa tondo dahil nakabili ako doon ng orig jeans na calvin klein at 501.
grabe. yung unang labas ng 501 na nabili ko sa 1850 trading post sa quad, 450 pesos! mahal na yun for its time, ha? | |
| | | Sponsored content
| Subject: Re: Growing up in the 70s and 80s and 90s | |
| |
| | | | Growing up in the 70s and 80s and 90s | |
|
| Permissions in this forum: | You cannot reply to topics in this forum
| |
| |
| |