"Ang galing ni Baby"
Registered nurse si Baby sa L.A. Kasama niya ang
kanyang ina na nagpagamot doon. Namatay ang ina
nito. Dahil sa kamahalan ng pamasahe
pabalik sa Pilipinas, nagtipid si Baby. Pinauwi
na lang niya ang kabaong ng kanyang ina na mag-isa.
Pagdating ng kabaong, napansin ng mga kapamilya
niya na nakadikit ang mukha ng ina sa salamin ng
ataul. Nagkomento tuloy ang isang anak,
"Ay, naku! Tingnan mo 'yan... hindi sila marunong
mag-ayos ng bangkay sa Amerika! Nakudrado tuloy ang
mukha ng inay."
Upang ayusin ang itsura ng bangkay, binuksan ang
kabaong. Aba ! May sulat na-nakastaple sa dibdib ng
ina. Kinuha nila ito at binasa. Ang nilalaman
ng liham na mula kay Baby:
Mahal kong tatay at mga kapatid:
Pasensya na kayo at hindi ko nasamahan ang nanay sa
pag-uwi riyan sa Pilipinas dahil napakamahal ng
pamasahe. "Ang gastos ko pa lang sa kanya ay mahigit
$10,000 na. Ayoko nang isipin pa ang eksaktong
halaga. Anyway, ipinadala ko kasama ni nanay ang
mga sumusunod...
Nasa likod ni nanay ang dalawampu't apat na
karnenorte at isang dosenang spam. Ang adidas na
suot ni nanay ay para kay tatay. Ang limang pares ng
de-goma ay nasa loob ng dalawang asul na Jansport
na backpack na inuunan ni nanay. Tig-iisa kayo.
Ang iba't-ibang klase ng tsokolate at candy ay nasa
puwetan ni nanay. Para sa mga bata ito. Bahala na
kayong magparte-parte. Sana'y hindi natunaw. Ang
pokemon stuffed toy na yapos-yapos ni nanay ay para
sa bunso ni ate. Gift Ko sa first birthday ng bata.
Ang itim na Esprit bag ay para kay Nene.
Ate, nasa loob ng bag ang pictures ni inay,
japanese version ng pokemon trading cards at
stickers. "Suot ni nanay ang tatlong Ralph Lauren,
apat na Gap at dalawang Old Navy t-shirts. Ang isa
ay para kay Kuya at tig-iisa ang mga pamangkin ko.
Maisusuot ninyo ang mga iyan sa fiesta.
Suot din ni inay ang anim na panty hose at tatlong
warmer para sa mga dalaga kong pamangkin. Isuot nyo
sa party. May tigdadalawang ream ng
Marlboro lights at Winston red ang nasa pagitan ng
mga hita ni nanay, ibigay niyo kina tatay at sa mga
tiyuhin ko.
Apat na jar ng Skippy Peanut Butter, dalawang
dishwashing liquid, isang Kiwi glass cleaner at
tig-aanim na Colgate at Aqua Fresh ang nakasiksik sa
kilikili ni nanay. Hati-hati na kayo, huwag
mag-aagawan.
May isinisik akong zip-loc sa bunganga ni Inay na
naglalaman ng $759 dollars. Hindi na ako nakatakbo
sa ATM. Puede na siguro sa libing iyon.
Tanggalin niyo ang bulak sa ilong ng inay, may
isiniksik ako 3 diyamante sa bawat butas. Ibangon
niyo lang si inay at tiyak na malalaglag na ang mga
iyon. Konting alog lang siguro ng ulo.
Marami pa sana akong ipaglalalagay kaya lang, baka
mag-excess at si nanay pa ang maiwan. Basta
parte-parte kayo, tatay, kuya, ate, dikong, ditse.
Para sa inyo lahat ito. Bahala na kayo kay nanay.
Pamimisahan ko na lang siya rito.
Balitaan ninyo na lang ako pagkatapos ng libing.
Alam ni ate ang email ko. Paki-double check ang
lista kung walang nawala sa mga ipinadala ko.
Nagmamahal,
Baby