| Bukas Ba Ang Third-Eye Mo? | |
|
+5Leeno maui vanex bobbyalvarez bobbylon 9 posters |
Author | Message |
---|
bobbylon Admin Jr.
Number of posts : 727 Location : Angeles City, Pampanga Registration date : 2008-01-28
| Subject: Bukas Ba Ang Third-Eye Mo? Thu Apr 24, 2008 4:24 am | |
| WARNING PO! Para lang sa mga mahilig manakot (like me)... At gustong magpatakot (like u)
Sabi nila lahat daw ng tao may third-eye, pero nasa sa'yo... kung gusto mong buksan ito... Kayo nakakita naba kayo?... Di nako magpapatumpik-tumpik pa, umpisahan ko na ang kwento... isa lang ito sa marami ko ng na-experience na mga di-maipaliwanag na pangyayari... ika nga sa kapampangan... "Lagayan" ka pag nakakakita ka ng mga "The Unknown"... Last 2004, meron akong not so close na friend na yumao, Ate sya ng close friend ko... madalas kaming gumimik noon ng close friend ko as a group kasama ang sister nya..., nag-uusap naman kami nun, pero di kasing close kagaya ng sa kapatid nya... Kaya laking gulat ko talaga ng mabalitaan kong namatay yung ate nya... Car Accident ang reason... Naaalala ko pa na... ang kotseng iyon ang madalas naming gamitin tuwing gigimik kami at mag-go-ghost hunting sa Clark... Ang hindi ko maipaliwanag ay ang aking nasaksihan isang linggo bago maganap ang aksidente... Isang gabi mga around 6 pm... pumasyal ako sa bahay ng isang kaibigan, kumakatok ako sa kanilang gate nang mapansin ko sa tapat ng kanilang bahay ay may nakaparadang kotse... kilala ko ang kotseng iyon... iyon ay ang kotse ng ate ng friend ko... doon ko naalala na doon din pala ang street kung saan nakatira ang boyfriend ng ate nya... dahil naikwento sa akin ng close friend ko noon... napansin ko lang na may taong nakasakay sa likod ng kotseng iyon... (Puputulin ko muna, medyo kinikilabutan ako eh... bukas ko nalang po itutuloy, pag may araw na... tapos kayo naman ang mag-share) | |
|
| |
bobbyalvarez Member
Number of posts : 249 Location : san juan Registration date : 2008-02-14
| |
| |
vanex Member
Number of posts : 36 Registration date : 2008-01-29
| |
| |
maui Member
Number of posts : 246 Age : 41 Location : Kainta Registration date : 2008-02-21
| Subject: Re: Bukas Ba Ang Third-Eye Mo? Thu Apr 24, 2008 8:30 am | |
| | |
|
| |
Leeno Admin Jr.
Number of posts : 401 Registration date : 2008-01-25
| Subject: Re: Bukas Ba Ang Third-Eye Mo? Thu Apr 24, 2008 9:26 am | |
| to talagang si pareng bobby o....hilig mambitin | |
|
| |
bobbylon Admin Jr.
Number of posts : 727 Location : Angeles City, Pampanga Registration date : 2008-01-28
| Subject: Re: Bukas Ba Ang Third-Eye Mo? Thu Apr 24, 2008 3:34 pm | |
| sorry guys kung nabitin kayo.... eto na po ang karugtong ng kwento.... Napansin ko ang Ate ng close friend ko na nakasakay sa likuran ng kotseng yun na pag-aari nya... Bukas lahat ang bintana ng kotseng iyon... napansin kong tahimik sya at diretso ang tingin sa harapan nya... .. naka headband at naka-blue shirt... Alam kong sya yun... kahit medyo madilim na noon kasi may liwanag naman sa poste ng kalye kaya't hindi ako maaaring magkamali na sya nga iyon... hindi ko na sya nilapitan at kumaway nalang ako sa kanya, pero di cya tumingin sa akin... siguro di nya ako nakita... pero tinawag ko naman sya... sabi ko... Ate! ... pero wala paring response... lalapitan ko na sana cya, ng biglang may lumabas sa bahay na iyon na kung saan nakaparada ang kotse... nagulat talaga ako ng makita kong lumabas sa gate na iyon ang isang lalake at isang babae... hindi ko kilala ang lalakeng iyon pero ang babae ay namukhaan ko... Siya ay walang iba kung hindi ang Ate ng barkada ko...!!! Kung gayon, sino ang nakasakay sa likuran ng kotse??? Parehong-pareho sila ng kasuotan ng babaeng iyon, naka-blue-shirt at may headband din... napaisip talaga ako kung sino iyon... wala namang kakambal yung Ate ng friend ko... pinagmasdan ko sila habang pasakay sila sa kotse, ng hindi ako napapansin... sa harapan sila sumakay at ang lalake ang nag-drive, pero ang pinagtataka ko ay hindi naman nila kinausap ang babaeng nasa likod? at ayun pinaharurot na ng lalake ang kotse... Sa wakas lumabas narin ang kaibigan ko... at pinapasok na ako sa kanilang tahanan... I-tetext ko sana ang close friend ko para itanong kung may kakambal ba ang Ate nya, pero saktong naubusan ako ng load... kaya't hinayaan ko nalang at inisip ko nalang na baka barkada rin nya yun ng Ate nya, na kahawig nya at pareho sila ng outfit... Hindi naman kilala ng dinalaw kong barkada kung sino ang nakatira sa tapat ng house nila... ang sabi lang nya ay, "iba-iba kasi ang tumitira dyan bro, kaya di ko masyadong kilala sila... paupahan lang kasi yang tapat namin"... "ah ganun ba... ok..." sabi ko naman... di na ako nag-usisa nun... After a week, mga around 11pm.. palabas na ako ng shop na pinagta-trabahuan ko noon ay may napadaang malaking track na karay-karay ang isang wasak na kotse... parang kilala ko ang kotseng iyon... pero hindi ko nalang pinansin... baka kamukha lang siguro... sabi ko nalang sa sarili ko... Kina-umagahan... nagising ako dahil merong nag-missed call sa akin then kasunod ay isang text... "Bro punta tayo sa bahay ni "close friend" namatay Ate nya kagabi... txbk..." sabi ng text... shock talaga ako at tulala ng umagang iyon sa natanggap kong balita... noong gabi ding iyon ay pinuntahan namin kung saan naka-burol ang Ate ni close friend... at doon ko nalaman na... car accident ang sanhi ng lahat... gumimik daw kagabi ang Ate nya kasama ang boyfriend nito at dalawa pang barkada na mag-shota din... after daw nilang mag coffee sa isang coffee shop dito ay tumungo sila sa clark upang mag-ghost hunting... at ayun doon na nangyari ang lahat... sa sobrang bilis daw ng patakbo ng kotse ay tumaob ito at gumulog-gulong sa daan at sumalpok sa mga matutulis na bakal!!! ang Ate raw nya ang nag-drive... namatay pati ang boyfriend nya na nasa harapan... samantalang nabuhay naman ang dalawa pang barkada nila sa likuran kaya't naikwento nila ang pangyayari... (let's pause for a break & we will be right back.. promise) | |
|
| |
bobbylon Admin Jr.
Number of posts : 727 Location : Angeles City, Pampanga Registration date : 2008-01-28
| Subject: Re: Bukas Ba Ang Third-Eye Mo? Thu Apr 24, 2008 3:55 pm | |
| Nai-kwento ni close friend na... last month pa raw ay, napanaginipan ng mother nila na maaksidente ang ate nya, kaya't pinagbawalan muna nila ito sa pag-drive... sumunod naman ang Ate nya, kaya't pinag-da-drive nalang sya ng mga kamag-anak nila at minsan nga ay ang bf nya ang kanyang taga-drive... noong gabing iyon lang sya muling nag-drive... at ayun na nga ang nangyari... may premonition na pala sa kanya, may nakapansin pa raw sa kanyang isang kamag-anak na wala raw syang ulo, pero di rin daw pinansin iyon... bigla ko tuloy naalala yung nakita ko a week before na-aksidente ang ate nya... pero di ko nalang in-open... Nagkaroon lang ako ng chance na maikwento sa kanya iyon makaraan ang isang buwan, ng muli kaming magkita ni close friend sa isang gimikan... Tutal inumpisahan narin naman nya ang usapang tungkol sa pagkamatay ng Ate nya, kaya't sinabi ko narin sa kanya yung nakita kong premonition sa ate nya... Tinanong ko sya kung may kakambal ba ang Ate nya... Laking gulat ko ng inaming meron ngang kambal ang Ate nya...!!! pero matagal na itong patay... sanggol pa lang ay kinuha na raw sya ni lord... Hanggang ngayon pala-isipan parin sa akin kung ... Sino Ang Nakita Ko... iyon ba ang kakambal nya na taga-bantay nya o si kamatayan na gusto na syang sunduin.... Kayo Na Ang Bahalang Humusga! Believe It Or Not! | |
|
| |
Leeno Admin Jr.
Number of posts : 401 Registration date : 2008-01-25
| Subject: Re: Bukas Ba Ang Third-Eye Mo? Thu Apr 24, 2008 6:29 pm | |
| ....di nga tol, tutoo ba to?....... ......ah guys, syanga pala...di ako pwede pagabi...out na ko ha (hehehe..sabay ganun eh....natakot sa kwento).....dapat tol, nireserve mo to sa holloween...para may ok | |
|
| |
bobbylon Admin Jr.
Number of posts : 727 Location : Angeles City, Pampanga Registration date : 2008-01-28
| |
| |
romance Admin Jr.
Number of posts : 749 Age : 60 Location : Japan Registration date : 2008-01-26
| Subject: Re: Bukas Ba Ang Third-Eye Mo? Thu Apr 24, 2008 8:11 pm | |
| ay totoo yan bobbylon, leeno...nangyari na rin sa akin yan...isa sa kaibigan ko sa Brunei at isa sa sarili kong kapatid... na invade ko rin ang RTB Brunei (Radio Television Brunei) nuung later part ng 80s...nagbuo ako ng dance group para sa isang variety show sa RTB...na pinangalanang "Dari Studio Satu" (From Studio 1)...ang host dun ay Singaporean-Bruneian na si Jaffar, Dj din sya sa isang Radio Station dun...kilala sya sa buong Brunei at sa Singapore...isa din syang katulad ko na pa-men pero pusong babae...lumigaw sya sa akin (naks)...pero nung time na yun...meron akong syotang girl..kaya di pupuede e...hindi sya tumigil ng kaliligaw sa akin..dinadalhan nya ako palagi ng pagkain sa bahay...nireregaluhan ng mga kung anu-ano... Isang Sabado, meron kaming live show nun sa Studio 1...may guest singer from Malaysia na si Shiela Majid...very succesful ang show...lahat masaya...napansin ko lang kay Jaffar e..hindi naman sya nakikihalubilo sa lahat...pero nung gabing yun...lahat ng picture shots ay sumasali sya..ang saya saya nya...meron pa nga syang scarf na pula nun...na litaw na litaw kasi naka all-white sya...pagkatapos ng show e...nagpahatid ako sa kanya hanggang bahay...(kasi pinagawa ko yung sasakyan ko nun dahil nabangga ako, pero slight lang)...wala kaming kibuan...kasi nga me tampo sya sa akin...dahil ayaw ko pa syang sagutin...(pero pinagbigyan ko na sya...hehehe)...hanggang sa makarating kami sa bahay...wala pa rin kaming kibuan...pagbaba ko sa kotse nya...at papasok na ako ng bahay, napansin ko wala yung susi...baka kako nahulog sa kotse...buti na lang nag maniobra sya 'tos pinara ko uli sya...pero di ko sya makita dahil nakakasilaw yung headlight nya...huminto sya at pagbukas ko ng pinto nakita ko yung susi sa inupuan ko...wala kaming imikan...at nung pagsara ko ng pinto ng kotse...at paalis na sya...naaninag ko na wala syang ulo...kinilabutan akong bigla...gusto ko man syang habulin pero ang bilis ng takbo ng sasakyan nya...(ganun daw yun pag nakita mo ang isang tao na parang walang ulo, kailangang sigawan mo raw, kausapin o basta kahit ano gawin mo para mabigyan sya ng pansin daw...sabi ng lola ko)...di ako makatulog nung gabing yun...nag-iisa pa naman ako sa bahay... Kinabukasan...Sunday...may taping kami nung ginawa naming show...interviews...etc...tumawag ako kay Jaffar para magpasundo uli...pero ang nakasagot ay ate nya at umiiyak...ang sabi nya, punta daw agad ako dun dahil di raw magising si Jaffar...tinawagan kong bigla yung isang dancer ko at nagpasundo ako at dagli kaming pumunta sa bahay ni Jaffar...nakita ko may ambulansya sa harapan at nandun yung mga kamag-anak nya...tahimik ...akala ko ay ok na...pero nung pinapasok ako nung ate nya...tuloy tuloy ako sa kuwarto ni Jaffar...nakita ko sya..nakatalikod...nakahiga sa kama...pag hawak ko sa kanya ay sobrang lamig nya at matigas...wala na si Jaffar...naiyak ako at gusto kong sisihin ang sarili ko...sana pinilit kong habulin sya nun...o tinawagan ko man lang nung gabing yun...at sabihin na magsama kaming matulog... Pinatawag ako ng pulis sa headquarter...nagtaka ako kung bakit...ang dahilan...meron palang nakuha na letter ang ate ni Jaffar sa kuwarto...na may pangalan ko daw...pero di na nya binasa at tinapon nya agad...nakuha yun ng pulis...kaya ako ininterview sa headquarters...tinanong ako nung pulis kung kailan ko daw nakilala si Jaffar...sabi ko one year and a half lang...(guwapo nung pulis ba)...nag replied yung pulis...sabi nya kilalang-kilala nya raw si Jaffar matagal na...yun lang...tapos tinago nya yung letter sa pocket nya at hindi pinabasa sa akin kung ano yung nakasulat...ayaw ko namang magpumilit...kasi baka bigla akong ikulong...kitang kita ko na ibinulsa nya yung letter...pero nung tumayo at lumabas sandali yung pulis..nakita ko!...yung letter! ...nasa ibabaw ng table!...kinilabutan na naman ako...gusto ko sanang kunin at basahin...pero baka makita ako nung pulis...hanggang sa umuwi ako..di ko alam kung ano ang nakasulat sa letter na ginawa ni Jaffar... after 3 days...yung pulis na nag-interview sa akin...patay!..nahulog yung kotse nya sa bangin...nu ba yan!...ayaw ko na!...kinikilabutan na naman ako... next time naman yung sa kapatid ko... | |
|
| |
stonebolt Admin Jr.
Number of posts : 223 Location : San Juan Registration date : 2008-01-29
| Subject: Re: Bukas Ba Ang Third-Eye Mo? Thu Apr 24, 2008 8:18 pm | |
| Bobby, Napansin ko lang... lahat ng avatar mo nananakot... he he he. It reminds me of someone na mahilig gumamit ng ganyang klaseng avatar. Guys, Sorry, baka out of topic, pero baka related pa rin kasi katatakutan (ng avatar) - bobbyalvarez wrote:
- uy, exciting!
| |
|
| |
DeaRliE Admin Jr.
Number of posts : 1172 Age : 45 Location : PhiLiPPineS Registration date : 2008-01-27
| |
| |
bobbyalvarez Member
Number of posts : 249 Location : san juan Registration date : 2008-02-14
| |
| |
bobbylon Admin Jr.
Number of posts : 727 Location : Angeles City, Pampanga Registration date : 2008-01-28
| Subject: Re: Bukas Ba Ang Third-Eye Mo? Fri Apr 25, 2008 1:34 am | |
| | |
|
| |
bobbylon Admin Jr.
Number of posts : 727 Location : Angeles City, Pampanga Registration date : 2008-01-28
| Subject: Re: Bukas Ba Ang Third-Eye Mo? Fri Apr 25, 2008 1:45 am | |
| romance... ok yan ha, it means hanggang brunei uso rin ang premonitiong walang ulo... hehehe, pero grabe yang story mo ha... ano kaya yung nakasulat sa letter | |
|
| |
bobbylon Admin Jr.
Number of posts : 727 Location : Angeles City, Pampanga Registration date : 2008-01-28
| Subject: Re: Bukas Ba Ang Third-Eye Mo? Fri Apr 25, 2008 2:18 am | |
| Meron pa akong isang kwento... year 2005 naman, summer 'yun, parang ganitong panahon ngayon as in sobrang init... lagpas 12 midnight na nun, naisipan kong lumabas ng bahay at magpahangin sa veranda namin... di ko na binuksan ang ilaw sa veranda, kasi maliwanag naman ang ilaw sa poste, plus yung moon pa, ang gandang pagmasdan.. then after a while... meron akong nakitang... maliwanag na bagay sa kalangitan... i thought air-plane lang yun, pero ang bilis ng lipad... at ang babaw lang nya... pabilog ang hugis at maraming ilaw na ibat-ibang kulay ang nakapaligid dito... umiikot ang mga ilaw nito na parang nag-me-merry go-round... ang isa pang pinagtakhan ko ay wala man lamang akong narinig na ingay mula sa lumilipad na bagay na yun... As in sinundan ng mga mata ko, kung saan patungo ang liwanag na iyon... hanggang mawala sya na parang bula!!! hindi naman sya bulalakaw kasi alam ko naman ang hitsura ng bulalakaw, dahil maraming beses narin akong nakakita nun... pero ito sobrang lapit nya... hinanap ko talaga kung saan na sya napunta pero nawala talaga sya... kinabukasan sinabi ko sa mga kapatid ko na may UFO akong nakita, pero pinagtawanan lang nila ako at dinedma... "naka drugs ka siguro" sabi ng isa... "Bolang" (kapampangan terms for Sira Ulo) ang sabi ko... "di ako nag-du-drugs!" pero adik ako! kidding aside pinagtanong ko talaga sa mga kapit-bahay at sa mga friends ko kung nakakita naba sila ng ufo, merong nagkwento na meron daw talaga, meron namang hindi naniniwala... madalas akong manood nun ng mga sightings (tama ba spelling) at mga roswell, x-files etc. pero di ko naman sine-seryoso, til finally yun nga, ako na mismo ang naka-saksi... pero di parin ako nakaka-sigurong ufo nga iyon... Kayo naniniwala ba kayo sa UFO??? | |
|
| |
romance Admin Jr.
Number of posts : 749 Age : 60 Location : Japan Registration date : 2008-01-26
| Subject: Re: Bukas Ba Ang Third-Eye Mo? Fri Apr 25, 2008 6:37 am | |
| uu nga...dyan mo mapapatunayan na totoo nga...kasi di lang sa pinas nangyayari... | |
|
| |
Leeno Admin Jr.
Number of posts : 401 Registration date : 2008-01-25
| Subject: Re: Bukas Ba Ang Third-Eye Mo? Fri Apr 25, 2008 9:43 am | |
| Ako naniniwala sa UFO....kaya nga sikat dati ang ET Call!....(este, easy call pala)....seriously....although i personally believe na may UFO (though i really don't have "first hand" experience about it), mahirap nga lang patunayan na meron...but one thing is for sure, it's very possible na meron life in another planet, since parang "tuldok" lang tayo sa isang napakalaking building, napakalaki po ng universe natin | |
|
| |
Leeno Admin Jr.
Number of posts : 401 Registration date : 2008-01-25
| Subject: Re: Bukas Ba Ang Third-Eye Mo? Fri Apr 25, 2008 9:57 am | |
| Ako naman magkukuwento ng "ghost story"....... Around 1985, tumira kami sa isang simbahan sa tagig...ang pangalan ng caretaker dun is "Mang Pake"....may edad na sya, at matagal na daw syang caretaker dun....Napakaraming kwento ni mang pake tungkol sa "lumalabas" dun sa simbahan...the "common thing"....paring pugot...putol na paa...kadenang kumakaluskos, etc....at kahit kami may mga "first hand" experience din kami sa mga kwento nya...kaya naniniwala kami......among those story, ang pinaka-madalas daw niyang makita ay yung "white lady"...lagi daw nyang nakikitang naglalakad galing sa taas (sa may cursillo house), pababa ng simbahan...at pag natatapat sya sa may organ (piano), doon daw biglang naglalaho yung white lady.......after that, lumipat na kami (iba iba na ang paring na-assign sa simbahan na yun) at Mang Pake is long gone....after about 12 years or so, nabalitaan namin na ni-renovate ang simbahan...and the creapy thing is....meron silang nakuhang kalansay sa tapat ng pwesto ng organ ....... | |
|
| |
bobbylon Admin Jr.
Number of posts : 727 Location : Angeles City, Pampanga Registration date : 2008-01-28
| Subject: Re: Bukas Ba Ang Third-Eye Mo? Fri Apr 25, 2008 12:39 pm | |
| buti nalang umaga ko nabasa to... or else napalundag na naman ako sa kama! | |
|
| |
Hood
Number of posts : 70 Age : 115 Location : Kalokohan City Registration date : 2008-02-01
| Subject: Re: Bukas Ba Ang Third-Eye Mo? Sat Apr 26, 2008 1:38 pm | |
| Ayos to ha parang "gabi ng lagim" meron pa ba? | |
|
| |
bobbylon Admin Jr.
Number of posts : 727 Location : Angeles City, Pampanga Registration date : 2008-01-28
| Subject: Re: Bukas Ba Ang Third-Eye Mo? Sat Apr 26, 2008 5:54 pm | |
| Another experience ko way back 1995... 1st year college ako nun & nasa stage ako ng rebellion... ang alam kasi ng parents ko nag-aaral ako, pero ang totoo, i'm not... bulakbol & barkada ang inaatupag ko during those days... Nagpaalam ako sa kanila na mag-wo-work ako para magkaroon ako ng sarili kong money, pero di nila ako pinayagan kasi baka nga daw masira ang pag-aaral ko... pero wala rin silang nagawa... kaya ko naman mag working student ang paliwanag ko sa kanila... pero yun nga di naman ako pumapasok... (ang sama)... Kaya ayun sinubukan kong mag-work... Nag-aaply ako sa isang "Garment Factory" dito sa Angeles... kaya lang napakalayo ng lugar na ito... papuntang "Sapang Bato" nabanggit na ito sa kanta ni APL na "Bebot"... liblib yung lugar at bago ka makapunta ng factory may dadaanan kang isa matalahib na daan, kung baga yun ang short cut papunta doon... wala ring masyadong sasakyan... kaya lakad talaga ang drama mo... halos lahat kasi ng mga nag-wowork doon is stay-in... pati boss, doon narin naka-tira kaya tuwing linggo lang sila nag-day-off at nakakalabas sa lugar na 'yun... Sa kagustuhan kong masubukang mag-trabaho, tinaggap ko siya... nung 1st wk ko ok naman kasi regular hours, marami akong nakikila at nakaksabay sa pag-in & out ko... ang matindi, ng ibinalita sa akin na sa 2nd wk ko graveyard ang sched ko... Pinapapasok ako ng 2am to 11am... hindi na ako maka-hindi kasi ang alam nila hindi ako nag-aaral kaya ok lang, yun din kasi ang sinabi ko sa kanila... eto na ang kwento... maaga akong nagising mga 12am... 1am nasa terminal na ako... ang tagal kong naghintay kasi, iilan lang kaming pasahero, kaya nag-ambag-ambag nalang kami para umandar na yung jeep... pag dating ko sa lugar na iyon, halos mag-a-alas dos na! ang dilim ng daraanan kong talahib... kung dadaan ako sa kabila, matatagalan ako kasi liliko pa ako, eh maleleyt na ako... wala pang tricycle at kabahay-bahay sa lugar na iyon... kaya't kumaripas na ako at dumaan sa short-cut... Mabilis lang ang lakad ko, pero sobrang kaba talaga ako kasi nga ang dilim, tapos hinahawi ko pa yung mga talahib... gusto ko na sanang bumalik at mag-resign na lang nung oras na iyon... nasa kalagitnaan na ako ng daan ng meron akong narinig na "Humihingal" sa likuran ko... Naalala ko tuloy yung sinabi ng pinsan ko na pag may sumusunod sa'yong multo... wag kang lilingon!... Napatakbo ako ng mabilis, sa sobrang bilis ko nadulas ako at natumba ako... pero naririnig ko parin sa likuran ko yung humihingal... di talaga ako lumingon, at nagdasal ako habang nakasubsob sa talahiban... nang bumangon ako.. sabi ko sa sarili ko haharapin ko kung sino yung nasa likuran ko... Lilingon na sana ako ng may nag-flashlight sa akin... Mag-asawa... sila yung namamahala sa canteen ng factory... nakasalubong ko sila, tapos tinanaong nila ako, kung may kasama ba ako... "Wala po" sabi ko.. Ah ikaw lang mag-isa dumaan dito?... sabi ng dalawa... "Bakit po" sabi ko... "Wala ka bang narinig o nakita?" habang tumatawa sila... O sige dalian mo na... male-leyt kana... hinatid nila ako malapit sa gate ng factory... tapos umalis na sila at mamamalengke pa raw sila para sa mga kakainin ng mga trabahador... Kina-umagahan, pinuntahan ko sila sa canteen at tinanong ko kung may multo ba doon sa talahiban na iyon... Inamin naman nila na meron nga daw... kasi tapunan daw ng mga patay iyon noong araw, pero sanay na raw sila na mga taga-roon... Nung araw ding iyon, nag-paalam na ako sa manager at nag-resign na ako... sabi ko di ko na kayang magtrabaho, pagpapatuloy ko nalang po ang pag-aaral ko... (THE END) | |
|
| |
Sponsored content
| Subject: Re: Bukas Ba Ang Third-Eye Mo? | |
| |
|
| |
| Bukas Ba Ang Third-Eye Mo? | |
|