Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.


Forum for Hard to find music
 
HomeHome  Latest imagesLatest images  RegisterRegister  Log in  

 

 The Encounter

Go down 
5 posters
AuthorMessage
bobbylon
Admin Jr.
Admin Jr.
bobbylon


Number of posts : 727
Location : Angeles City, Pampanga
Registration date : 2008-01-28

The Encounter Empty
PostSubject: The Encounter   The Encounter EmptySat Apr 19, 2008 3:59 am

WARNING LANG PO! BAWAL PO ANG MAHINA ANG PUSO AT MATATAKUTIN!!!

Bata pa ako ay mahilig na akong manood ng mga horror movies, makinig ng gabi ng lagim, magbasa ng mga ghost stories, at kung anu anu pang katatakutan na maisip ko nung mga panahong iyon, well hanggang ngayon din naman ganun parin ako... I don't know bakit gustong gusto kong takutin ang sarili ko! lol! nway itong kwento ko ay totoong naganap sa buhay ko... may kaunting labis, may kaunti ring kulang, parang pelikula, edited ba! pero surely this is a real story... Nagsimula ang lahat, isang gabi doon sa aming lumang bahay na inuupahan noon sa isang barrio dito sa angeles. Alas syete palang ng gabi ay nababalot na ng katahimikan ang barriong iyon, siguro dahil kakaunti palang ang mga nakatirang tao doon ng mga panahong iyon. Excited ako kasi, magsisimula na ang peyborit kong show sa tv, ang REGAL SHOCKER! kung hindi ako nagkakamali tuwing byernes yun... nasa edad sampu ako noon... nasa sala ako ng aming bahay kasama ang aking mga kapatid habang nag-aabang sa palabas... nasa kwarto naman ang aking ina habang naglalaro ng solitaryo, wala ang aking ama dahil nightshift ang duty nya sa headquarters nila... kaya umaga na ang kanyang uwi... palalim na ang gabi kaya inantok na ang mga kapatid ko hanggang sa makatulog sila sa sofa namin... gigisingin ko nalang sila pag start na ang show, para may kasama akong manood... hehehe, medyo malamig ang panahon at umaambon ambon pa, kaya napaka-eerie ng pakiramdam... Atlast nagsimula na ang Regal Shocker... pero di nagising ang mga kapatid ko, kahit anong pilit kong gisingin sila. Binuksan ko ang ilaw para maliwanag ang sala namin, pero dahil sa sobrang takot ko, nang lumabas na si kamatayan na may hawak na kalawit, nagtalakbong ako ng kumot, habang yakap ang isa kong kapatid na tulog na tulog... natapos din ang intro at nag-commercial narin sa wakas, nang makaramdam ako ng pag-ihi... sumilip ako sa kwarto ng aking nanay, ngunit tulog narin pala cya, ginising ko ang isa kong kapatid upang magpasama, pero ayaw talagang magising... wala akong magawa kung hindi lumabas ng aming bahay ng mag-isa para jumingle, badtrip! nasa labas kasi ng aming bahay ang CR namin. Kaya't binilisan ko ang kilos ko para makalabas ng aming bahay at maka-ihi na ako bago pa matapos ang commercial break. Palabas ng aming Dining room ay may daang pinto patungong dirty kitchen na yari sa kawayan na aking daraanan bago makarating ng aming CR... binuksan ko lahat ng ilaw para maliwanag ang paligid, ngunit sa hindi ko maipaliwang na pangyayari ay ayaw sumindi ng ilaw sa CR. "sige ok na yan, may liwanag naman akong naaaninag mula sa aming dirty kitchen" ang sabi ko sa aking sarili, pero sa loob ko ay takot na takot ako... Natapos na akong umihi at binuksan ko ang pinto ng CR palabas ng biglang... (ITUTULOY)
Back to top Go down
http://bobbylon.multiply.com/
romance
Admin Jr.
Admin Jr.
romance


Number of posts : 749
Age : 60
Location : Japan
Registration date : 2008-01-26

The Encounter Empty
PostSubject: Re: The Encounter   The Encounter EmptySat Apr 19, 2008 8:58 am

nadun pala si romance at sinabing "ba't di mo ako hinintay?".... Razz ...jok lang!...'to naman may pa-suspense pa...dali tuloy mo na...excited na ako... Shocked
Back to top Go down
http://romansantos.multiply.com
knowell
Admin Jr.
Admin Jr.
knowell


Number of posts : 293
Location : Manila, Philippines
Registration date : 2008-01-27

The Encounter Empty
PostSubject: Re: The Encounter   The Encounter EmptySat Apr 19, 2008 11:29 am

pwede'ng nobelista 'tong si Bobby ah! henga... masubaybayan study
Back to top Go down
http://www.magicten.multiply.com
Jo2
Member
Member
Jo2


Number of posts : 324
Location : Rizal / Batangas
Registration date : 2008-02-20

The Encounter Empty
PostSubject: Re: The Encounter   The Encounter EmptySat Apr 19, 2008 1:15 pm

Talentado ka pala Habe Cool ..Nalala ko tuloy yung Kilabot Komiks na lagi kong binabasa nuon..Wehehe..Game, tuloy mo na.. Very Happy
Back to top Go down
bobbylon
Admin Jr.
Admin Jr.
bobbylon


Number of posts : 727
Location : Angeles City, Pampanga
Registration date : 2008-01-28

The Encounter Empty
PostSubject: Re: The Encounter   The Encounter EmptySat Apr 19, 2008 5:45 pm

hehehe... nabitin ba kayo... censya na... medyo kinalibutan lang ako kagabi, kasi may narinig akong alulong ng aso sa labas ng bahay namin kaya, nagmadali nakong matulog... Ok, heto na ang ikalawang-bahagi ng aking kwento... makinig... este magbasa... Very Happy

Natapos na akong umihi at binuksan ko ang pinto ng CR palabas... ng biglang... Bumuhos ang malakas na ulan... ngunit bago pa man ako makapasok ng aming dirty kitchen ay may narinig akong kaluskos at yabag sa may hardin sa labas ng aming bahay... Napahinto ako at pinakiramdam ko kung sino o ano kaya yung nandoon sa mga halamanan... inisip ko nalang na siguro ay imahinasyon ko lang yun o kaya nama'y malakas na hangin lang ang nagpagalaw sa mga halaman... Agad kung ni-lock ang pinto ng dirty kitchen at pinatay ang ilaw. Pumasok na ako ng bahay at ni-lock ko narin ang second door namin sa may dining room... bukas parin ang ilaw sa aming sala at dali-dali akong naupo sa sofa habang katabi ang aking mga kapatid na himbing na himbing sa pagtulog. Nilakasan ko ang volume ng TV dahil hindi ko marinig sa lakas ng buhos ng ulan sa labas... nag-umpisa na ulit ang show, ngunit wala akong maintindihan sa aking pinapanood sa kaiisip ko doon sa narinig kung kaluskos sa may hardin. Umandar na naman ang aking imahinasyon at inisip ko na isang halimaw o maligno ang nakatago sa likod ng mga halaman ng aming hardin... kaya't nagtalakbong ulit ako ng kumot sa takot ko na baka halimaw nga iyon... pilit kong inalis sa aking isip ang halimaw, at unti-unti akong sumilip ng bahagya para manood ng palabas. Ilang saglit pa'y huminto na ang ulan ngunit may ambon parin akong naririnig, ng ilang sandali'y... May narinig akong nagbubukas ng aming pinto sa salas... kitang-kita ng dalawa kong mata na unti-unting umiikot ang door knob namin!... nangilabot ako at napapikit sa takot na baka gustong pumasok ng halimaw sa aming bahay!... mabuti nalang at naka-lock ito, at may double lock pa ito sa itaas para siguradong walang makapangloloob sa amin. Hindi ko pinansin ang aking nakita at inisip ko na pinaglalaruan lang ako ng aking malikot na imahinasyon. patuloy parin akong tumoon sa aking pinapanood na wari'y walang nangyari... Nang makita kong may napadaan sa may bintana (na gawa sa dyalusi at walang kurtina) ng aming salas... Isang maiitim na nilalang!... mabilis ang mga pangyayari kaya't hindi ko ma-i-describe kung ano man iyon, basta ang alam ko lang maiitim cya!... Napa-sign of the cross ako ng di-oras sa aking nasaksihan... Bumilis ang tibok ng aking puso sa takot! pero hindi ko inaakalang ang susunod na eksena'y mas kahindik-hindik pa! Nakita ko ang halimaw! na unti-unting lumalapit sa aming bintana!... medyo malabo ang salamin ng bintana ngunit kitang-kita ko ang kanyang anyo! Maiitim ang buong katawan!... buhaghag ang buhok! nasa 5'8 ang taas! para syang isang "Taong Lobo"!!!... affraid ...Pilit niyang binubuksan ang aming bintana gamit ang kanyang mahahabang kuko... (To Be Continued...)
Back to top Go down
http://bobbylon.multiply.com/
bobbylon
Admin Jr.
Admin Jr.
bobbylon


Number of posts : 727
Location : Angeles City, Pampanga
Registration date : 2008-01-28

The Encounter Empty
PostSubject: Re: The Encounter   The Encounter EmptySat Apr 19, 2008 7:03 pm

romance wrote:
nadun pala si romance at sinabing "ba't di mo ako hinintay?".... Razz ...jok lang!...'to naman may pa-suspense pa...dali tuloy mo na...excited na ako... Shocked

sorry po kung nabitin kayo... ni-revise ko pa kasi yung script... lol!
Back to top Go down
http://bobbylon.multiply.com/
bobbylon
Admin Jr.
Admin Jr.
bobbylon


Number of posts : 727
Location : Angeles City, Pampanga
Registration date : 2008-01-28

The Encounter Empty
PostSubject: Re: The Encounter   The Encounter EmptySat Apr 19, 2008 7:06 pm

knowell wrote:
pwede'ng nobelista 'tong si Bobby ah! henga... masubaybayan study

alam nyo pangarap ko yan... di ko lang dinevelop...
Back to top Go down
http://bobbylon.multiply.com/
bobbylon
Admin Jr.
Admin Jr.
bobbylon


Number of posts : 727
Location : Angeles City, Pampanga
Registration date : 2008-01-28

The Encounter Empty
PostSubject: Re: The Encounter   The Encounter EmptySat Apr 19, 2008 7:12 pm

Jo2 wrote:
Talentado ka pala Habe Cool ..Nalala ko tuloy yung Kilabot Komiks na lagi kong binabasa nuon..Wehehe..Game, tuloy mo na.. Very Happy

bata pako mahilig nakong magkwento ng katatakutan sa mga kalaro ko. na-miss ko lang... kaya try ko sa inyo... lol!
Back to top Go down
http://bobbylon.multiply.com/
Jo2
Member
Member
Jo2


Number of posts : 324
Location : Rizal / Batangas
Registration date : 2008-02-20

The Encounter Empty
PostSubject: Re: The Encounter   The Encounter EmptyMon Apr 21, 2008 1:14 pm

Nawala na si Bobby, mukhang nagtatakbo na sa nakita..wehehe.. cyclops Razz
Tuloy mo na brod.. bounce
Back to top Go down
bobbylon
Admin Jr.
Admin Jr.
bobbylon


Number of posts : 727
Location : Angeles City, Pampanga
Registration date : 2008-01-28

The Encounter Empty
PostSubject: Re: The Encounter   The Encounter EmptyMon Apr 21, 2008 2:47 pm

Jo2 wrote:
Nawala na si Bobby, mukhang nagtatakbo na sa nakita..wehehe.. cyclops Razz
Tuloy mo na brod.. bounce

dami kasing aberya lately... kaya di ko matuloy-tuloy... pero ok na... maluwag na ulit ang skeds... Eto na ang ikatlong bahagi & hopefully final chapter ng istoryang kahindik-hindik!... affraid
Back to top Go down
http://bobbylon.multiply.com/
bobbylon
Admin Jr.
Admin Jr.
bobbylon


Number of posts : 727
Location : Angeles City, Pampanga
Registration date : 2008-01-28

The Encounter Empty
PostSubject: Re: The Encounter   The Encounter EmptyMon Apr 21, 2008 3:30 pm

Pilit binubuksan ng maiitim na halimaw na iyon ang aming bintanang yari sa dyalusi, gamit ang kanyang mahahabang kuko!... Sa takot ko ay napasigaw ako ng "MAAA! MAY MAMAW!!!" sabay takbo ako sa kwarto ng aking ina at ginising ko sya! "Anong nangyari?" sambit ni mama, "Ma may mamaw sa labas ng bahay! gustong buksan ang pinto at bintana natin!" ang sabi ko sa kanya... Lumabas kami ng kwarto at tiningnan namin ang halimaw sa may bintana... ngunit wala na roon ang halimaw. "Nasaan? wala naman" sabi ni mama, "Meron talaga ma!, kanina sa labas nung mag-cr ako merong kumaluskos sa hardin, tapos yung pinto natin gustong buksan, then yung bintana rin!" ang sagot ko... "Hindi halimaw yun magnanakaw!" ang sabi ni mama, Pinatay ni mama ang tv at inutusan akong gisingin ang mga kapatid ko at magtago sa kwarto! dyan lang kayo sa kwarto at lalabas ako, sislipin ko kung sino yun!... ang sabi ni mama, wag ma! baka kainin ka ng mamaw! wag kang mag-alala, ilalabas ko ang armalyt, tingnan ko kung hindi matakot yang magnanakaw na yan! buong tapang na sagot nya sa'kin... Papasok na kami ng kwarto namin ng bumulaga sa amin ang halimaw! bukas ang bintana ng kwarto! at doo'y naka-titig sa aming magkakapatid ang halimaw na iyon! kaya't nag-hiyawan kami sa takot! "MA NANDITO ANG MAMAW!!!" hindi na naman naabutan ng aking ina ang halimaw ng sumunod sya sa kwarto, "Nasaan Sya?!!!" ang sabi nya... "Tumakbo nung mag-sigawan kami"... Anak alam mo ba kung saan itinago ng tatay mo ang armalayt?, wala kasi doon sa pinagtataguan natin!" ang sambit ni mama... "Hindi ko po alam ma, baka dinala nya?" ang sabi ko naman! doo'y bakas ang pangamba ng aking ina, at pilit nyang nilalakasan ang loob! Ganito! dyan lang kayo sa kwarto at wag kayong aalis dito! kahit anong mangyari! Magbabantay ako sa salas! ang sabi ni mama... binigyan kami ni mama ng mga pamalo at inutusang mag-dasal upang ma-protektahan sa panganib na iyon!... Palabas pa lang ng kwarto si Mama ng biglang nag-BROWN-OUT! (yes nag-brown-out talaga! promise!) at sabay bumuhos na naman ang malakas na ulan! (kung sana uso na ang cellphone nun, nakapag-txt sana ako sa tatay ko!, wala rin kaming landline, kasi liblib yun, di abot ng linya)... Nagsigawan kami at iyakan sa sobrang dilim... "Wag kayong maingay mga anak! tumahimik kayo!" pakikiramdaman ko ang magnanakaw! (hindi parin sya naniniwala na mumu yun!) "Ma kung magnanakaw yun! sana umalis na sya, kasi gising tayo, malalaman natin at makikilala sya! ang sabi ko sa aking ina! Ngunit dinedma nya lang ang explanation ko..."Tumahimik kayo may naririnig ako sa sala!" ang sabi ni mama (COMMERCIAL BREAK MUNA!) mabilis lang to...
Back to top Go down
http://bobbylon.multiply.com/
bobbylon
Admin Jr.
Admin Jr.
bobbylon


Number of posts : 727
Location : Angeles City, Pampanga
Registration date : 2008-01-28

The Encounter Empty
PostSubject: Re: The Encounter   The Encounter EmptyMon Apr 21, 2008 4:29 pm

dahang-dahang lumabas ng kwarto si mama, papuntang salas, ng kanyang masaksihan na pilit binubuksan ng halimaw na iyon ang pinto ng sala & this time kinakabog na ng halimaw na iyon ang pintuan namin! (nakasilip ako mula sa pinto ng aming kwarto) "Kung Sino Ka Mang Magnanakaw Ka! Umalis Ka Sa Bakuran Namin Kung Ayaw Mong Sumabog Ang Bao Ng Ulo Mo! sigaw ni mama! habang hawak-hawak ang walis tambong nadampot sa salas!... bounce Pansamantalang tumahimik ang kapaligiran ngunit galit parin ang panahon sa lakas ng ulan, may kasama pang kulog at kidlat! ... Lumapit sa may bintana ang aking ina upang silipin kung nandoon pa ang magnanakaw, unti-unti nyang ibinaba ang hawakan ng bintana at itinutok ang kanyang mga mata ng biglang.... lumabas! ang halimaw sa harapan nya! affraid "UHHH" ungol ng halimaw! "DIYOS KO PO!" sabi ni mama! sabay sarado sa bintana! "SA NGALAN NG PANGINOON, INUUTUSAN KITANG LUBAYAN ANG AMING TAHANAN" pa-ulit-ulit na sambit ng aking ina! ... napa-dasal narin kaming magkakapatid ng "our father" habang nangagatog ang aming mga tuhod sa takot... "Ma ano yung nakita mo?" ang tanong ko... "hindi ko maaninag anak, masyadong madilim sa labas" nakita ko lang ang kanyang nanlilisik na mga mata!" napahinto kami sa pag-uusap ng aking ina nang marinig naming may kumakalabog sa pinto ng aming dirty kitchen... naalala naming yari lang pala sa kawayan ang pintong iyon at baka sa lakas ng halimaw ay makapasok cya sa aming tahanan!... Nilakasan na ng aking ina ang kanyang loob at sinabing "Anak kunin mo ang rosaryo sa may altar ng salas! dito ka lang at lalabas ako! at magtutuos kami ng aswang na iyon!, wag mong iiwan ang mga kapatid mo! magdasal kayo!" ang sabi ni mama, pero tumanggi ako, "Ma wag ka ng lumabas, wait nalang nating mag-morning, malulusaw din yan sa araw!... "Hindi tayo titigilan nyan hanggat di ko hinaharap yang "kung ano man sya" reply ni mama... sa isang kundisyon, basta sasama ako... sabi ko naman... OK deal! pumayag naman sya... naalala ko pala yung flashlight namin kayat kinuha ko sa kwarto at binaon ko sa pagharap sa halimaw! pinagsabihan ko rin ang sumunod kong kapatid na wag silang lalabas ng kwarto at mag-lock sila para di sila masunggaban ng halimaw... (if ever)... ayun nag-iyakan lang sila!... Binuksan namin ni mama ang pinto ng dining room palabas sa dirty kitchen ng makita naming bukas na ang pinto nito! "Diyos Ko Po!" sabi ni mama, "Ma nabuksan nya ang pinto" sabi ko naman... pero wala doon ang halimaw? unti-unti pa naming hinakbang ang aming mga paa, ng biglang may humawak sa paa ko! affraid "MAAAA! nasa ilalim ng mesa ang mumu!!!" "UHHH" sabi ng halimaw"... "Bitawan mo ang anak ko!" sabi ni mama! binitawan ako ng halimaw na iyon... "Anak pumasok ka ulit sa loob, i-lock mo ang pinto! bilisan mo!" sabi ni mama, "Ma paano ka?" sabi ko naman, "Wala ng tanong tanong, bilis!!!" (ok fyn watever!) Agad nakong pumasok at ni-lock ang pinto ng dining room! sabay takbo sa kwarto naming magkakapatid!... may narinig kaming mga kalabog sa dirty kitchen then after a minute, silence na ang sumunod... ("Hinga Muna kayo Ng Malalim") i'll be right back! promise!
Back to top Go down
http://bobbylon.multiply.com/
bobbylon
Admin Jr.
Admin Jr.
bobbylon


Number of posts : 727
Location : Angeles City, Pampanga
Registration date : 2008-01-28

The Encounter Empty
PostSubject: Re: The Encounter   The Encounter EmptyMon Apr 21, 2008 5:32 pm

THIS IS IT!!!

Narinig naming magkakapatid na sumisigaw ang aming ina habang humihingi ng tulong sa mga kapitbahay, pero dahil sa malalayo ang pagitan ng mga bahay sa baryong yun at sabayan pa ng lakas na pag-buhos ng ulan ay mahihirapang marinig ang tinig ang aking ina... Crying or Very sad Napasilip ako sa bintana ng aming kwarto at naaninag ko na nasa labas ng bakuran ang aking ina at ka-ingkwentro ang halimaw na iyon! Sa liwanag na dulot ng kidlat ay nakita kong tinututukan ng aking ina ang halimaw ng isang matalim na bagay... maaring nakadampot ng kutsilyo ang aking ina sa dirty kitchen at yun ang kanyang hawak-hawak... Nag-desisyon ako na lumabas ng bahay upang tulungan ang aking mama at iligtas sa halimaw na iyon, pinagbilinan ko ulit ang aking mga kapatid na wag silang lalabas ng kwarto at mag-lock ng pinto pagkalabas ko... sumunod naman sila, dumaan ako sa pinto ng salas dala-dala ang flashlight namin... ng makatapak ako ng isang malaking bato, at naisip kong iyon ang gamiting panglaban sa halimaw... nang makalabas na ako ng aming bakuran ay inilawan ko ng flaslight ang halimaw... Napatingin sa akin ang halimaw at nanlilisik ang kanyang mga mata! natuon sa akin ang atensyon ng halimaw at ilang sandali nalang ay maaaring sunggaban ako nito... "Wag mong sasaktan ang anak ko!, Ako ang harapin mo!" sabi ni mama, Anak pumunta ka kina Apung Lita (kapit-bahay namin), humingi ka tulong bilis!!! nagmadali akong tumakbo at binitawan ang dala-dala kong bato... Muling nagharap ang ina ko at ang halimaw na iyon... Ilang minuto pa at natuntun ko na ang bahay ni Apung Lita, "Apung Lita, tulungan nyo po kami, may halimaw po!" habang kumakatok sa pintuan nila... Lumabas si Apung Lita at ginising ang kanyang asawa upang humingi ng tulong sa barangay! Agad naman nagmadali ang asawa ni Apung Lita at nag bisikleta papuntang barangay! di alantana ang malakas na ulan... humingi narin kami ng tulong sa iba pang mga kapit-bahay at nagsi-gisingan naman sila at nagdala ng mga kasangkapang panlaban sa halimaw... tinatanong nila ako kung anong nangyari, pero tulala ako at tanging sambit ko lang ay, "may halimaw po!". Agad naming binalikan ang aking ina at ang halimaw sa labas ng aming bakuran at doo'y aming natagpuan na tangan tangan ng halimaw ang aking ina sa magkabilang braso nito at nag-aagawan sila sa kutsilyo... "Bitiwan mo sya" sabi ng mga kapit-bahay at sabay sugod sa halimaw! binitawan ng halimaw ang aking ina at tumakbo papalayo sa mga tao... ngunit na-korner sya ng mga barangay tanod na noo'y parating narin sa kanyang daraanan... Sa wakas nahuli nila ang halimaw, madilim parin ang paligid at tanging kidlat parin ang nagsisilbing liwanag sa aming lahat... lumapit ako sa aking ina at niyakap ko sya... Nag biglang bumukas ang ilaw ng poste at lumiwanag ang paligid... (Yehey may kuryente na!) sigaw ng lahat! Unti-unti naming nilapitan ang nahuling halimaw ng mga tanod at laking gulat ng lahat ng aming makita na... (LAST NALANG PO!) wag nang bibitiw!
Back to top Go down
http://bobbylon.multiply.com/
Jo2
Member
Member
Jo2


Number of posts : 324
Location : Rizal / Batangas
Registration date : 2008-02-20

The Encounter Empty
PostSubject: Re: The Encounter   The Encounter EmptyMon Apr 21, 2008 6:30 pm

Shocked
Back to top Go down
bobbylon
Admin Jr.
Admin Jr.
bobbylon


Number of posts : 727
Location : Angeles City, Pampanga
Registration date : 2008-01-28

The Encounter Empty
PostSubject: Re: The Encounter   The Encounter EmptyMon Apr 21, 2008 7:19 pm

Isang babae!... isang babaeng... "Taong Grasa!" (korek!)... Taong Grasa nga! ang nanakot at gumambala sa aming tahanan... maitim ang babae, marumi at walang saplot sa katawan. kung tutuusin pagkakamalan mo nga syang halimaw kung hindi mo cya makikita sa liwanag... umiiyak at tanging ungol lang ang alam sabihin ng babaeng iyon... nasa 25 to 30 ang edad... Agad dinamitan ng mga tanod ang babae at dinala sa barangay office... Nagsi-uwian na ang iba at ang iba nama'y naki-isyuso pa sa barangay at inalam kung sino ang babaeng iyon... umuwi narin kami at nagpahinga na ng aking ina at baka pa kami magkasakit dahil basang basa kami sa ulan... Kinabukasan ay pinuntahan namin ang babaeng iyon at doon nga namin napag-alaman na ang babaeng iyon ay biktima ng panggagahasa at mayroong kaunting problema sa pag-iisip. Nakakapgsalita na ang babae ng bahagya at ang pangalan nya ay "Fely"... Tinanong sya ng aking ina kung anong ginagawa nya sa aming bakuran at ang sabi nya ay... "Hingi Ako Tulong, Gutom Ako At Giniginaw!"... "Bakit Ka Nananakot?, Bakit Hindi Ka Makipag-usap Ng Maayos, Tutulungan ka Naman Namin..." sabi ni mama, ngunit di na nagsalita ang babae... Ngumiti lang sya habang ini-ikot ang mga mata sa paligid nya... Naintindihan na namin nun na mayroon ngang problema sa pag-iisip ang babae... Napag-alaman din namin na, galing sa Cavite ang babaeng iyon at dayo lang sya aming baryo... hindi naman maituro ng babae kung sinong lumapastangan sa kanya at nagdesisyon ang mga tanod na dalhin cya sa hospital... dinala rin sya sa mga kinauukulan at mula noo'y di na namin alam kung ano ang nangyari sa kanya... Makalipas ang pitong buwan... Isang umaga habang kami ay nasa bahay, ay may kumatok sa aming pinto, ako ang nagbukas at nakita ko ang dalawang babae na naka-ngiti sa akin... "Nasaan ang mama mo?" banggit ng isang babae... "Sino po kayo?" sabi ko sa kanya... "Di mo na ba ako nakikilala?"... Ako ito si "Fely"... "Huh" ang tangi kong nasambit... "Hehehe, wag kang mag-alala, ok na ako...", Tinawag ko ang aking ina at nagkaharap na nga sila... "Ikaw na ba yan?" sabi ni mama... "Opo, kasama ko pala yung pinsan ko at nag-aalaga sa akin", naparito po ako para humingi ng pasensya at tawad sa panggugulo ko sa inyo noon..." ang sabi nya... "Wala yun & tapos na yun, ang mahalaga walang nangyaring masama sa ating lahat..." doon na nananghalian sina Fely sa amin at pagkatapos noon ay nagpaalam na sya... Yun na ang huling pagkikita namin kay Fely, wala na kaming balita sa kanya mula noon, hanggang ngayon... Nakalipat na kami ng tirahan at tuluyan ng nilisan ang baryong iyon... ngunit paminsan-minsan ay dumadalaw parin kami, upang bisitahin ang mga kakilala at naging kaibigan doon.. Ibang-iba na ang lugar na iyon, ngayon... siksikan na ang mga tao, at nagsitayuan na ang mga apartment sa bawat sulok ng kalye... meron naring linya ng telepono at may internet cafe pa!... Sa tuwing makaka-kita ako ng mga taong palaboy o taong grasa, naaalala ko ang ingkwentrong iyon... Ingkwentrong di ko makakalimutan habang buhay... (WAKAS) Smile
Back to top Go down
http://bobbylon.multiply.com/
knowell
Admin Jr.
Admin Jr.
knowell


Number of posts : 293
Location : Manila, Philippines
Registration date : 2008-01-27

The Encounter Empty
PostSubject: Re: The Encounter   The Encounter EmptyTue Apr 22, 2008 12:28 am

Pwede ka talaga sa novels, Bobby... Tagalog suspense thriller... Very Happy O, baka sa susunod, erotic stories na binibira mo (pang- Xerex Xaviera)...hehehe Laughing pengeng kopya! Razz
Back to top Go down
http://www.magicten.multiply.com
bobbylon
Admin Jr.
Admin Jr.
bobbylon


Number of posts : 727
Location : Angeles City, Pampanga
Registration date : 2008-01-28

The Encounter Empty
PostSubject: Re: The Encounter   The Encounter EmptyTue Apr 22, 2008 1:23 am

knowell wrote:
Pwede ka talaga sa novels, Bobby... Tagalog suspense thriller... Very Happy O, baka sa susunod, erotic stories na binibira mo (pang- Xerex Xaviera)...hehehe Laughing pengeng kopya! Razz

Pwede rin... pero may suspense parin para may istorya.. di lang puro ganun! lol!

Salamat po... Abangan Ang Susunod Pang Katatakutang Kwento... Twisted Evil
Back to top Go down
http://bobbylon.multiply.com/
stonebolt
Admin Jr.
Admin Jr.
stonebolt


Number of posts : 223
Location : San Juan
Registration date : 2008-01-29

The Encounter Empty
PostSubject: Re: The Encounter   The Encounter EmptyTue Apr 22, 2008 11:45 am

Speaking of Xerex, alam mo Pareng Noel, mga kaibigan ko ang dating sumusulat ng Xerex... taga-channel 5 na ang isa sa kanila ngayon.

knowell wrote:
Pwede ka talaga sa novels, Bobby... Tagalog suspense thriller... Very Happy O, baka sa susunod, erotic stories na binibira mo (pang- Xerex Xaviera)...hehehe Laughing pengeng kopya! Razz
Back to top Go down
http://stonebolt.multiply.com
bobbylon
Admin Jr.
Admin Jr.
bobbylon


Number of posts : 727
Location : Angeles City, Pampanga
Registration date : 2008-01-28

The Encounter Empty
PostSubject: Re: The Encounter   The Encounter EmptyTue Apr 22, 2008 4:13 pm

peyborit ko yang xerex nung HS ako... out of curiosity kaya ako nagbasa nyan... marami pala silang sumusulat nyan...
Back to top Go down
http://bobbylon.multiply.com/
stonebolt
Admin Jr.
Admin Jr.
stonebolt


Number of posts : 223
Location : San Juan
Registration date : 2008-01-29

The Encounter Empty
PostSubject: Re: The Encounter   The Encounter EmptyTue Apr 22, 2008 4:16 pm

yes, bob... muntik na rin akong magsulat dyan... tinanggihan ko.. parang nakakawala kasi ng integridad, nyahahaha.

bobbylon wrote:
peyborit ko yang xerex nung HS ako... out of curiosity kaya ako nagbasa nyan... marami pala silang sumusulat nyan...
Back to top Go down
http://stonebolt.multiply.com
bobbylon
Admin Jr.
Admin Jr.
bobbylon


Number of posts : 727
Location : Angeles City, Pampanga
Registration date : 2008-01-28

The Encounter Empty
PostSubject: Re: The Encounter   The Encounter EmptyTue Apr 22, 2008 4:19 pm

lol! oo nga parang ang hirap kung ako ang nasa kalagayan nila... cguro trabaho lang talaga... ang dami rin kasing ma-L sa pilipinas Laughing
Back to top Go down
http://bobbylon.multiply.com/
Sponsored content





The Encounter Empty
PostSubject: Re: The Encounter   The Encounter Empty

Back to top Go down
 
The Encounter
Back to top 
Page 1 of 1

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: Etc Etc :: Anything Goes-
Jump to: