Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.


Forum for Hard to find music
 
HomeHome  Latest imagesLatest images  RegisterRegister  Log in  

 

 This is my story, what's yours?

Go down 
+4
Colin
rockett
Leeno
bobbylon
8 posters
AuthorMessage
bobbylon
Admin Jr.
Admin Jr.
bobbylon


Number of posts : 727
Location : Angeles City, Pampanga
Registration date : 2008-01-28

This is my story, what's yours? Empty
PostSubject: This is my story, what's yours?   This is my story, what's yours? EmptyMon Apr 07, 2008 6:03 am

Guys sharing time naman tayo, share nyo naman your story or story ng friend nyo, your experience in life, your deepest secrets, your sentiments, anything under the sun & the moon. Serious time naman tayo, wala lang just 2 let people know you better lalu na dito sa h2f or maybe inspired someone... bweno umpisahan ko na... ang title ng kwento ko is...

"Second Life"

Ate! ang anak mo may tama! sigaw ng nakababatang kapatid na babae ni misis habang nakikipag-agawan ng baril sa kanyang mister, doo'y nataranta ang lahat ng kanilang makita ang tatlong buwang gulang na sanggol na tangan-tangan ng kanyang tiyahin sa ikalawang palapag ng kanilang bahay, duguan ang bata at wala ng malay. Kinuha ng mag-asawa ang kanilang anak at agad isinugod sa pinaka-malapit na klinika. Noo'y panahon pa ng Martial Law at nagkalat ang mga check-point sa kalsada, ngunit dahil sa kabaro nila ang ama ng sanggol ay pinaubaya nalang nila ito upang maidala na sa hospital at maisalba ang buhay ng bata, kaya't hindi na ito naireport pa sa pulisya ang mga pangyayari. Sa wakas at narating narin nila ang hospital at agad isinugod sa emergency room ang sanggol upang operahan. Nagpunta ang mag-asawa sa isang malaking simbahan ng syudad at doo'y taimtim na nag dasal at lumuhod sa diyos, hiniling nila na iligtas ang kanilang pinakamamahal na anak. Lumipas ang magdamag at muli silang bumalik sa hospital upang alamin ang lagay ng kanilang baby, at doo'y binalita ng doctor na ligtas na sa kapahamakan ang kanilang sanggol. Isang milagro ang naganap at nabuhay ang bata, sa tama ng bala mula sa quarenta'y singkong baril na dumaan sa kanang ibaba ng kili-kili nito at tumagos mula sa kaliwang balikat ay hindi man lamang tinamaan ang kanyang vital organs. Laking tuwa at pasasalamat ng mag-asawa sa panginoon at hindi nito pinabayaan ang kanilang sanggol.

Makaraan ang walong taon, habang ang bata'y naglalaro sa ikalawang palapag ng bahay ng kanyang lola, nilapitan nya ang isang lumang aparador upang maghanap ng mga lumang litrato at doo'y kanyang natagpuan ang isang naka-plastic na damit ng isang sanggol, punit at may mga tuyong dugo na nakakapit dito. Inusisa ng bata ang kanyang magulang sa nakitang bagay, at kanyang napag-alaman na ang damit na iyon ay kanya palang pag-aari nung sya ay sanggol pa lamang. Hindi na nagpaligoy-ligoy pa ang ina ng bata at ipinagtapat sa kanya ang mga pangyayari. Noo'y madaling araw ng lunes nang umuwi ang kanyang ama galing sa isang kasiyahan (inuman) habang galit na galit na naghihintay ang kanyang ina sa kanyang mister. Doo'y nagkaroon ng tensyon sa pagitan ng mag-asawa na humantong sa matinding alitan at bangayan. Sa lakas ng boses ng mag-asawa'y nagising ang kanilang sanggol at umiyak ito, nagising narin ang iba pang kasambahay at doon nga'y binuhat ng kanyang tiyahin ang bata upang patahanin ito sa pag-iyak, At nang sa isang iglap ay biglang may pumutok at doon na nga natuklasan ng kanyang tiyahin na tinamaan ang sanggol na kanyang hawak ng isang ligaw na bala, na sa sobrang lakas ay tumagos pa ito sa kanilang bubungan. Aksidente nga ang mga pangyayaring iyon. Naintindihan ng bata ang kwento ng kanyang ina sa kanyang sinapit. Nagtanong ang bata kung sino ang kumalabit sa baril, ngunit hindi ito sinagot ng kanyang nanay. Hindi na muling nag-usisa ang bata at hinayaan nalang ang mga ito, marahil ay dahil bata pa siya at darating din ang araw ay lubusan din nyang mauunawaan ang mga pangyayari.

Siguro nga hindi na importante pang malaman kung sino o kung paano nangyari ang lahat dahil ang importante ay ligtas ang bata at lumaki siya ng maayos at walang masamang nangyari sa kanya. Maaring nabuhay nga siya ngunit may kapansanan, o isang gulay siyang maituturing kung nagkataong may tinamaang mahalagang bahagi ng kanyang katawan. Ang mahalaga ay binigyan ako ng ikalawang pagkakataong mabuhay. Salamat kay San Agustin ang aking tagapagbantay at higit sa lahat sa Diyos na may kapal. Ito ang kwento ko...


Last edited by bobbylon on Mon Apr 07, 2008 3:41 pm; edited 1 time in total
Back to top Go down
http://bobbylon.multiply.com/
Leeno
Admin Jr.
Admin Jr.
Leeno


Number of posts : 401
Registration date : 2008-01-25

This is my story, what's yours? Empty
PostSubject: Re: This is my story, what's yours?   This is my story, what's yours? EmptyMon Apr 07, 2008 12:32 pm

Sad ...a very touching story......thank you so much for sharing bro....
Back to top Go down
http://hard2find.heavenforum.com
rockett
Admin Jr.
Admin Jr.
rockett


Number of posts : 276
Age : 62
Location : dipolog city
Registration date : 2008-02-01

This is my story, what's yours? Empty
PostSubject: Re: This is my story, what's yours?   This is my story, what's yours? EmptyMon Apr 07, 2008 12:45 pm

wow... that was something. salamat sa pagbahagi. hats off to you, bro!
Back to top Go down
http://rockettride.multiply.com
Colin
Admin Jr.
Admin Jr.
Colin


Number of posts : 112
Registration date : 2008-02-01

This is my story, what's yours? Empty
PostSubject: Re: This is my story, what's yours?   This is my story, what's yours? EmptyMon Apr 07, 2008 2:40 pm

Great story....Thanks for sharing
Back to top Go down
romance
Admin Jr.
Admin Jr.
romance


Number of posts : 749
Age : 60
Location : Japan
Registration date : 2008-01-26

This is my story, what's yours? Empty
PostSubject: Re: This is my story, what's yours?   This is my story, what's yours? EmptyMon Apr 07, 2008 6:43 pm

muntik ka na pala bro...ako rin muntik na...

January 17, 1995...i live in Nada Ku, Kobe, Japan...my apartment was right beside the Route 43...it was 5:45 dawn...there was a big noise and i thought it was a bomb...nagising ako...pero di ako makagalaw...things are falling everywhere...pati pader ng apartment ko ay bumagsak...i was lucky that my bed is in the other side...kundi, nadaganan ako...pipes are all coming out from the ceiling...i smell gas...and somebody shouted "Dettekitte kudasai"...(everybody go out!!!)...i was so teriffied...i don't know what to do at first...hinatak ko ang pantalon ko pero it took me a couple of minutes...kasi nadaganan...ang dilim pa...i got cuts from broken plates and glasses...i've got different pair of shoes...kasi nagmamadali ako palabas...and when i go out...walang hagdan...bagsak...pati elevator...i was in 3rd floor...so i jump...wala na akong magawa e...and when i was about to run...going to some wider area...i heard somebody is shouting....taskete!!!taskete!!! (help,help)...i saw a lady crying out loud and shouting from the 5th floor...she was so panic...her room door won't open...she cannot go out...she was in veranda and i shouted at her "don't jump!!!...merong emergency ladder dyan...itulak mo pababa...wala e..sabi nya...o sige...sipain mo yung breakable wall dyan sa kabilang room, baka nasa kabila...ayun nandun nga..kaya lang ayaw bumaba...kasi may kalawang na...hanggang 3rd floor lang nakababa yung emergency ladder...sige...baba ka na..tapos abangan kita dun sa likod at talon ka na lang...i'm not a good saver...kaya nagkasugat din sya nung tumalon sya...then we go hurried in a safety zone...puro giba ang bahay sa paligid...walang kuryente...walang signal ang phone...at nang lumiwanag...at medyo ok na..although may mga aftershock pa...balik ako sa bahay...giba talaga...i just got my wallet and a couple of bread and water...wala na akong bahay...ang ginaw pa naman...then i saw the apartment caretaker's dog...bigla kong naalala yung old lady na caretaker, she's living alone...takbo ako sa likod ng apartment...naramdaman ko na lang na may luha sa mata ko...i saw her lying dead...i think she is about to go out nung madaganan sya ng water tank...i was so shocked...wala pang mga rescuers kasi it just happened...then people nearby started to come one by one...asking everybody with the same question...and answer with the same answer...then i started to walk...nowhere to go...lahat ng kantong madaanan ko ay may umiiyak...giniginaw...still no rescuers...magkakapit bahay lang muna ang nagtutulungan...puro broken houses...buildings at yung expressway na bumagsak sa Route 43...grabe...fire nearby...then i reached downtown...every single building ay bagsak...yung iba nakatayo pa rin pero wala nang first floor or 2nd floor or 3rd floor...paano na kaya kung rush hour nangyari ito?...fire quickly spread out at Nagata Ku...i wanted to call home...but no lines...for 3 days...i felt so guilty that my family can't wait to hear my voice if i'm ok...lucky that a filipino friend told me that there is a free service call at City Hall...local and international...nag tyaga talaga akong pumila..kahit mahaba...and i waited for 5 hours for my turn...iyak ng iyak ang nanay ko at mga kapatid ko...pati tuloy ako naiyak na...i can't even talk...pero...i really thank God...andito pa ako...i just pray for the people who lost their lives at Great Hanshin Earthquake...




Back to top Go down
http://romansantos.multiply.com
rockett
Admin Jr.
Admin Jr.
rockett


Number of posts : 276
Age : 62
Location : dipolog city
Registration date : 2008-02-01

This is my story, what's yours? Empty
PostSubject: Re: This is my story, what's yours?   This is my story, what's yours? EmptyMon Apr 07, 2008 8:32 pm

ay grabe... pinag-usapan namin ito at work noon! tapos, nakatutok sa tv for updates. parang naaalala ko yung ilan sa vids. little did i know na meron pala akong magiging kaibigan na nandun nung nangyari yun?!?!

okey itong thread mo, bob. This is my story, what's yours? 41This is my story, what's yours? 41This is my story, what's yours? 41 eerie yet awe-inspiring. sana madagdagan pa. mga life-changing, second lease, near-death or almost near-death experiences... wow, ha? postehan ko rin ito ng dalawa soon.
Back to top Go down
http://rockettride.multiply.com
maui
Member
Member
maui


Number of posts : 246
Age : 41
Location : Kainta
Registration date : 2008-02-21

This is my story, what's yours? Empty
PostSubject: Re: This is my story, what's yours?   This is my story, what's yours? EmptyMon Apr 07, 2008 9:46 pm

wow, napaka tapang mo mareng roman, kung siguro sakin nangyari un malamang di na ako makapag salita, galing mo,.,,,
Back to top Go down
romance
Admin Jr.
Admin Jr.
romance


Number of posts : 749
Age : 60
Location : Japan
Registration date : 2008-01-26

This is my story, what's yours? Empty
PostSubject: Re: This is my story, what's yours?   This is my story, what's yours? EmptyMon Apr 07, 2008 9:55 pm

rockett wrote:
ay grabe... pinag-usapan namin ito at work noon! tapos, nakatutok sa tv for updates. parang naaalala ko yung ilan sa vids. little did i know na meron pala akong magiging kaibigan na nandun nung nangyari yun?!?!

okey itong thread mo, bob. This is my story, what's yours? 41This is my story, what's yours? 41This is my story, what's yours? 41 eerie yet awe-inspiring. sana madagdagan pa. mga life-changing, second lease, near-death or almost near-death experiences... wow, ha? postehan ko rin ito ng dalawa soon.

uu nga jett, takot ako nun...kala ko katapusan ko na...kaya may phobia na ako pag umuuga e... Smile
Back to top Go down
http://romansantos.multiply.com
romance
Admin Jr.
Admin Jr.
romance


Number of posts : 749
Age : 60
Location : Japan
Registration date : 2008-01-26

This is my story, what's yours? Empty
PostSubject: Re: This is my story, what's yours?   This is my story, what's yours? EmptyMon Apr 07, 2008 9:57 pm

maui wrote:
wow, napaka tapang mo mareng roman, kung siguro sakin nangyari un malamang di na ako makapag salita, galing mo,.,,,

uu nga maui...siguro kung nandito ka at magkasama tayo..siguro panay tilian tayo... lol!
Back to top Go down
http://romansantos.multiply.com
maui
Member
Member
maui


Number of posts : 246
Age : 41
Location : Kainta
Registration date : 2008-02-21

This is my story, what's yours? Empty
PostSubject: Re: This is my story, what's yours?   This is my story, what's yours? EmptyMon Apr 07, 2008 10:13 pm

lol! hahahahaahah!!! kase nung pumunta aq ng japan e lumindol din pero normal lang sa kanila kaya ung mga kapitbahay ko hindi pinapansin ung lindol, ako lang ang natakot pero natawa kase para akong tanga kaka sigaw un pala ung mga tao e wlang ginawa., hehehe
Back to top Go down
bobbylon
Admin Jr.
Admin Jr.
bobbylon


Number of posts : 727
Location : Angeles City, Pampanga
Registration date : 2008-01-28

This is my story, what's yours? Empty
PostSubject: Re: This is my story, what's yours?   This is my story, what's yours? EmptyTue Apr 08, 2008 12:41 am

bosing romance hanga ako sa katapangan mo. isa kang bayani... bow.

thanks po sa lahat ng nag-post... at sa mga magpopost pa... diba ang gaan ng feeling pag nasasabi mo mga saloobin mo... cheers
Back to top Go down
http://bobbylon.multiply.com/
watch
Sr Member
Sr Member
watch


Number of posts : 683
Age : 29
Location : marikina,kaloocan
Registration date : 2008-02-01

This is my story, what's yours? Empty
PostSubject: Re: This is my story, what's yours?   This is my story, what's yours? EmptyTue Apr 08, 2008 3:00 pm

Bobbylon and Romance,nice true to life stories you've got there.Truly there's a very good reason for both you to feel so blessed. Very Happy
Back to top Go down
skeptic
Admin Jr.
Admin Jr.
skeptic


Number of posts : 294
Location : beyond the horizon
Registration date : 2008-01-27

This is my story, what's yours? Empty
PostSubject: Re: This is my story, what's yours?   This is my story, what's yours? EmptyFri Apr 11, 2008 9:49 pm

ngayon ko lang nabasa mga ito, nakaka-inspire naman story ni bob & roman..
Back to top Go down
Sponsored content





This is my story, what's yours? Empty
PostSubject: Re: This is my story, what's yours?   This is my story, what's yours? Empty

Back to top Go down
 
This is my story, what's yours?
Back to top 
Page 1 of 1

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: Etc Etc :: Anything Goes-
Jump to: